Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA panayam sa kanya ng Pep.ph, inamin ni Derrick Monasterio na girlfriend niya na ang kapwa Kapuso star na si Elle Villanueva.
Sa mga nakaraang panayam sa aktor patungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa ni Elle, ang laging sagot niya ay walang label.
Ngayon ay tahasan niyang sinabing magtatatlong buwan na ang relasyon nila ng dalaga.
“Siguro mga three months ago. Bagu-bago pa lang na official, ha?
“Pero, mga one and a half years na kami sa kung ano ang treatment namin sa isa’t isa na walang label.
“Matagal na kaming magkakilala, yung walang label before, ha?
“Ngayon… oo na. Oo, less than a year.
“After nung Paradise, matagal pa na walang label. Parang nasa proving stage pa lang kami.
“Pero this time, yeah.”
Ang Paradise na tinutukoy ni Derrick ay ang afternoon drama series na pinagbidahan nila ni Elle noong 2022, ang Return To Paradise.
Dugtong pa niya, “Okey lang yun, kasi siya naman talaga, di ba? Puwede, puwede.
“Although, kahit di pa namin napag-usapan yun, pero okey na yun.
“At saka, parang lahat naman ng ka-batch ko… lahat sila, sobrang amin na amin na, at kung anu-ano pa.”
Ngayong sila na officially, ano ang mga naging pagbabago sa kanilang relasyon ngayon kumpara noong hindi pa talaga sila?
“Honestly, hindi kasi ganun ka-important sa akin ‘yun,” sagot ni Derrick.
“Kung ano lang ang ginagawa ko before sa kanya, na walang pagbabago, may label man o wala.
“Kung ano ang treatment ko sa kanya, yun yung plans ko for us.”
Wala naman daw siyang gusto pang i-prove na kung anu-ano sa kanyang girlfriend.
“Yun ang maganda kasi wala na yung old ways ko, e.
“Never na akong nakapunta ng bar ngayon. Three years na akong di nakakapunta ng bar. pumupunta lang ako kapag may mga event, ganyan.
“Di rin kami masyadong nag-aaway. Yun ang maganda. Bihirang-bihira.
“Maganda yung system namin sa relasyon… ‘di namin pinapatulog ang isa’t isa na di naaayos.
“Hindi kami sumisigaw, hindi kami… walang physical, tapos wala ring emotional bullying. Mga ganun.
“So, maayos na usapan lang mga ganun,” aniya pa.
***
TOTOO kaya itong nakarating sa amin na umano’y insecure ang isang sikat na action star (SNAS) sa noon ay papasikat pa lang na kapwa niya action star (PNAS)?
Ayon sa kwento, nagkasama noon sa isang action film ang dalawa, na ang bida ay si SNAS. Baguhan pa lang that time sa showbiz itong si PNAS. Pero sa set ng ginagawa nilang pelikula, laging pinagkakaguluhan si PNAS. Maraming fan na nanonood ng shooting nila, na lumalapit at nagpapa-picture sa kanya, to think na baguhan pa nga lang ito sa showbiz.
Napansin yun ni SNAS. Kaya na-insecure nga raw ito.
Kaya ang ginagawa raw ni SNAS, kapag dinner time nila, instead na sa kanilang set kumain, niyaya niya ang ibang cast, na hindi isinasama si PNAS, na kumain sa labas.
Napansin daw ‘yun ni PNAS. At nagtataka raw ito kung bakit hindi siya isinasama ni SNAS na mag-dinner sa labas. At kahit ang production staff ay napansin din daw ‘yun, na isa rito ang aming reliable source. Inisip nila na siguro ay hindi feel ni SNAS si PNAS.
At sa isang shooting nga raw nila, nu’ng nagsuot ng jacket si PNAS ay sinita umano siya ni SNAS. Sabi raw ng huli sa una ay hindi ito dapat nagja-jacket. Siya lang daw ang may karapatang mag-jacket dahil siya ang bida sa pelikula. Na parang pinalalabas daw ni SNAS, na siya lang dapat ang kakaiba ang suot, na siya lang ang dapat nagdya-jacket.
Sino si sikat na action star at si papasikat pa lang noon na action star?
Mas sikat ngayon si PNAS kesa sa SNAS. At nag-iba na ng linya ng trabaho si PNAS.