Advertisers
Ni JOVI LLOZA
LAKING tuwa ni Toni Gonzaga sa madlang pipol na grabeng nakyutan sa kanilang anak na si Polly kaya naman instant popular ang pamangkin ni Alex Gonzaga nang ibuyanyang na ang face ng bagong member ng family.
Kung noon ay clueless ang marami kung true na preggy si Toni.
Nagkaalaman lang na buntis nga ang esmi ni Paul Soriano nang bigyan sila ng baby shower ni First Lady Liza Araneta Marcos.
Naging serye ang pagbubuntis ni Toni sa reels hanggang sa manganak ito.
At kung ang pagbubuntis ay medyo nailihim ni Toni, sa pagbabahagi ng face o itsura ng pangalawang anak nina Toni at Paul ngayon ay agad na ibinahagi ang cuteness ng little angel ni Toni.
Maraming nakyutan sa 2nd baby ni Toni na si Paulina na isinunod sa namesung ng tatay na si Paul.
Malamang na medyo matagal na makababalik ng work si Toni para tutukan si Baby Paulina.
***
SA kabila na laging naiispatan ang ex-bf ni Andrea Brillantes na si Ricci Rivero na kasama ang beauty queen politician na si Leren Mae Bautista ay wala pa rin pag amin sa dalawa.
Paano kaya maitatanggi nina Ricci at Leren na konsehal ng Los Banos, Laguna na namataan na magkasama sa UPLB.
Matatandaan na itinanggi ng dalawa na may relasyon sila pero madalas silang maispatan na magkasama
Well, well, well…’Yun na!