Advertisers

Advertisers

Hibang na ang mga Pulahan

0 350

Advertisers

Ngayong linggo ay ginugunita natin ang ikatlong anibersaryo ng pagpapalaya sa Marawi City. Hinding hindi natin malilimutan ang ginawang karahasan ng Maute Group na sampalataya sa teroristang ISIS sa buong bayan ng Marawi, kasabwat ang teroristang grupo ng Abu Sayyaf.

Limang buwan na pananakop mula noong Mayo ng 2017 hanggang kalagitnaan ng Oktubre isinagawa ng mga teroristang walang ibang hanggad kundi ang pumatay ng sibilyan at tropa ng pamahalaan, magnakaw at pagsamantalahan ang mga inosenteng kababayan.

Ngunit hindi rin sila nagtagumapay dahil noong Oktubre 17, 2017 matapos mapatay ang kanilang mga lider na si Omar Maute at Isnilon Hapilon, idineklara ni Pangulong Duterte na napalaya na ang Marawi City sa mga kamay ng terorista. At noon din Oktubre 23, 2017 inihayag ni Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense (DND) na ang limang buwan pakikipagdigmaan sa mga teroristang sumakop sa Marawi ay talagang tapos na.



Sama-sama nating napagtagumpayan ang laban na iyon na maaaring sumira sa imahe ng demokrasyang umiiral sa bansa.

Kaya naman ako’y nagtataka sa ngayon, na pati itong mga “pulahan” o maka-komunistang-teroristang samahan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay tila nahihibang na rin. Dahil nagpahayag ito at inuutusan pa ang armado nilang grupo na New People’s Army (NPA) na pagigtingin ang mga pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan.

Tila hibang na nga sila, dahil sa kanilang kapangahasan na magdeklara ng masidhing pagatake at pagpatay sa ating mga sundalo, ganung dumadanas na sila ng malaking pagkatalo sa pakikipag-laban sa ating mga tropa nitong mga nagdaang mga araw at buwan.

Kabilang na rito ang maramihang pagsuko ng kanilang mga ‘cadre’ o miyembro, kasama ang matataas na kalibre ng baril. Wala pa diyan ang totoong bilang ng mga nasawi nilang opisyal at mga kasapi. At ngayon nga ay may lakas pa sila ng loob na magdeklara pa nang mas-maigting na pag-atake.

Ano kayo hilo? Sa palagian niyong pagtatangkang pumatay at makidigma sa mga tropa ng pamahalaan, laginkayong sumasablay.



Wala rin pakundangan ang CPP-NPA na kahit sa gitna ng pandemiya dahil sa COVID-19 at iba pang kalamidad, isinasabay nila ang mga pag-atake habang ang ating mga kawal ay abala sa pagtulong sa ating mga kababayang sibilyan.

Yan naman ang talaga nilang diskarte – ang mag-samantala. Kaya hindi naman nila makuha ang simpatya ng karamihang Filipino na ngayon ay kasama na ng pamahalaan lalong lalo na yaong mga nasa kanayunan, na labanan ang komunistang-teroristang samahan ng CPP-NPA.

Mismong mga kababayan natin sa mga kanayunan na kanilang ginagambala ang pananahimik na buhay ang katuwang na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga pagkilos ng CPP-NPA kaya sila nauubos.

Hindi na ninyo malilinlang ang buong bayan sa mga sigaw niyong ‘hustisya’, alam na ng lahat na kayo ang lumalabag nito sa inyong mga pagpatay ng mga sibilayan, panggagahasa sa kanilng mga kababaihan at pagnanakaw ng kani-kanilang mga ari-arian.

Hindi ba’t malaking kahibangan na yan, na sa kabilang ng maramin pagkatalo at pagkalagas sa inyong samahan ay may kapangahasan pa kayong paigtingin ang inyong pakikipaglaban. Tanggapin niyo na lamang ang inyong pagkatalo at sumuko upang matulungan pa kayo ng ating pamahalaan sa pagbabalik sa normal na pamumuhay.