Advertisers

Advertisers

Naisahan si Digong?

0 800

Advertisers

MINSAN na nagpuputak si Rodrigo Duterte sa publiko tungkol sa kontrobersiya sa 2019 SEA Games. Sa buong akala niya, gobyerno ang nagpatakbo ng SEAG. Laking gulat niya ng malaman ng sumpunging matanda na isang pribadong organisasyon – Philippine Southeast Asian Games Organizational Committee Foundation, o PHISGOC, ang nagpatakbo at namahala ng SEAG.

Nagtatalak si Duterte sa harap ng telebisyon na hindi siya pabor kapag pribadong organisasyon ang humawak ng palaro. Binanggit niya na may matinding korapsyon kapag pinangasiwaan ng pribadong organisasyon ang SEAG. Nakakatawa kasi nagpuputak siya kung kalian tapos na ang SEAG. Sa maikli, naidaos at natapos ang palaro na hindi alam ni Duterte na pribado ang PHISGOC.

May katibayan na hindi alam ni Duterte kung ano ang nangyari sa maanomalyang SEAG. Noong ika-25 ng Enero, 2019, nagpalabas ang Malacanang ng Memorandum Circular 56 na nag-uutos sa lahat ng sangay ng gobyerno at maging sa pribadong sektor na tulungan ang PHISGOC para sa matagumpay na pagdaraos ng SEAG. Hindi si Duterte ang lumagda sa MC 56. Si Salvador Medialdea, executive secretary ni Duterte, ang lumagda sa ilalim ng awtoridad ng pangulo.



Alam ni Medialdea na isang pribadong organisasyon ang PHISGOC. Hindi malaman kung ipinaliwanag niya sa kanyang boss ang tunay na personalidad ng PHISGOC. Naging host ang Filipinas ng mga nagdaang SEA games at gobyerno ang nangasiwa. Hindi napakalaki ng ginastos ng bansa sa mga nagdaang palaro. Umabot sa P16 bilyones ang gastos sa 2019 SEAG.

Mukhang naisahan si Duterte sa pagdaraos ng 2019 SEAG. May duda na napaikutan siya ng kanyang tauhan sa palaro. May sabwatan ang ilang matataas na opisyales ng gobyerno upang magkamal ng ilang bilyones na kanilang pinaghati-hatian. Hanggang ngayon, hindi nagsumite ng audited financial report ang PHISGOC. Sa laki ng gastos, hindi alam ng publiko kung paano ginastos ang budget.

Hindi natatapos sa kawalan ng financial statement ang SEAG. Pinagtakpan si Bambol Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), si Alan Cayetano, ang pinatalsik na ispiker ng Kamara de Representante at tagapagtatag ng PHISGOC, upang hindi magsumite ng financial statement ang grupo ng huli. Mapapansin ang sabwatan ng mga pulitiko sa daigdig ng palakasan. Hindi sumasagot si Bambol sa tindi ng batikos ng katiwalian sa daigdig ng palakasan. Takot na takot sumagupa.

Kung naisahan si Duterte, pilit na iniisahan ang mga ibang sports leader na tumindig at bumatikos sa malawakang korapsyon sa SEAG. Ang problema nga lamang ay mahihina ang kukote ng ibang sports leader na kakampi ng mga pulitiko. Isang halimbawa si Cynthia Carreon, ang kinatawan ng national sports association (NSA) sa gymnastics sa POC. Inamin niya na tumanggap siya ng sahod sa PHISGOC dahil sa kanyang serbisyo sa paghahanda ng SEAG.

Nandiyan si Karen Tanchanco-Caballero, ang kinatawan ng NSA sa larong sepak takraw sa POC, na umamin na tumanggap siya ng “sahod” mula sa PHISGOC dahil sa kanyang partisipasyon sa SEAG. Hindi batid ni Carreon at Caballero na bawal sa Olympic Charter na tumanggap ang sinuman na kasapi ng national Olympic committee (kasama ang POC) na tumanggap ng sahod o bonus sa kanilang serbisyo. Binigyan diin ang diwa ng boluntarismo (volunteerism) sa kilusang Olympic.



Mukhang hindi nila binasa ang By-Law ng POC na kanilang kinakatawan. Ayon sa Article 7, Section 16 ng By-Law: “The officers of the POC shall perform their duties on voluntary besis with the exception of those concerned with the administration of the office. They may, hoiwever, be reimbursed for traveling, subsistence, and any other justified expenses incurred by them in connection with their duties. Unless they are at fault, they shall not be personally responsible for the debts of the POC.”

Bakit umaapaw sa kamangmangan ang dalawang sports leader ay isang bagay na mahirap unawain. Pilit na kanilang binibigyan ng katwiran ang lantay na katangahan at kawalan ng unawa sa diwa ng boluntarismo. Sapagkat pirmado at notaryado ay legal na ang lahat. Paano sila naging sports leader?

***

HINDI lang si Bambol Tolentino ang palpak sa mundong ibabaw. Kahit ang kapatid na senador ay matindi ang sayad. Hayaan ninyo na ibahagi ang pahayag ng Akbayan Party List kung bakit may problema kay Francis Tolentino, ang senador na pinagtawanan ng madla sapagkat minsan siyang tumayo sa bulwagan ng Senado upang hilingin ang pagraratipika sa kasunduan ni Duterte at Xi na hindi alam ni Tolentino ang mga nilalaman:

AKBAYAN CALLS TOLENTINO’S SENATE
COMMITTEE A ‘MARCOS DEODORANT’

“A Marcos deodorant.”

This was how Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales on Tuesday described the Senate Committee on Local Government headed by Senator Francis Tolentino which approved a bill declaring September 11, the birthday of former dictator Ferdinand Marcos, a special non-working holiday in Ilocos Norte.

Rosales, who is also a former Akbayan partylist lawmaker, said that amid a pandemic, the committee’s prioritization of the bill is “unconscionable.”

“The committee shamed and cheapened itself by acting as a Marcos deodorant to hide the awful stench of the dead dictator’s brutal rule, tamper with history and invalidate the people’s struggle against the dictatorship,” Rosales said.

“Pero sa pagpupumilit na pabanguhin ang mabaho, dumagdag na rin sila sa baho. Like a cheap deodorant spray, the committee’s approval of a ‘dictator holiday bill’ leaves behind a strong foul odor. It stinks!” Rosales added.

Rosales said that the committee’s approval of the bill is contrary to the spirit of the dissenting opinions issued by members of the Senate in 2006 rejecting proposals to create a non-working holiday in Ilocos Norte for Marcos.

She also said that it is diametrically opposed to the Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013, which provides reparation and recognizes victims of human rights violations during the Marcos dictatorship.

“This is no ordinary bill of local application. This is no harmless local holiday. This bill seeks to repudiate the mandate of the 1986 People Power Uprising, whitewash the atrocities of the Marcos dictatorship and attack our sense of history,” Rosales said.

“We call on the rest of the members of the Senate to reject this measure, the same way it was rejected by their predecessors 14 years ago. The Senate must not allow itself to become a Marcos deodorizer. It must not become a tool of historical revisionism,” Rosales concluded.

***

PINAGTATAWANAN si Duterte sa utos na siyasatin ang mga katiwalian sa “buong gobyerno.” Inatasan ang task force na pinangungunahan ng DoJ na siyasatin ang korapsyon sa DPWH, BIR, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, at maging sa teritoryo ni Francisco Duque – ang DoH at Philhealth, at iba. Kapansin-pansin na kahit si Menardo Guevarra ay nahilo sa utos. Mistulang pinilipit ang kanyang leeg ng bumaba mula sa Davao City ang utos ni Duterte.
Bakit hindi mahihilo si Guevarra? Bumaba ang utos ng verbal. Wala konsultasyon. Hindi sila nag-usap. Hindi tinanong si Guevarra kung ano ang mga inaaasahan ni Duterte. Ano ang expectation, plans and programs, targets, at objectives? Hindi ito inihain ni Duterte sa lapag. Hindi tinanong si Guevarra kung ano ang maaaring maging suliranin sa laki at bigat ng kanyang atas.

Sapagkat abugado si Guevarra, wala naman siyang alam isagot kundi ang pagsasampa ng mga reklamo sa husgado laban sa mga tiwaling lingkod bayan. Hindi tinalakay ang ibang aspeto ng korapsyon. Walang binigkas tungkol sa lifestyle check o pagpapalakas ng mga hakbang upang mapigilan ang katiwalian sa gobyerno. Hindi masigla ang sambayanan sa utos ni Duterte. Wala lang. Mukhang sanay na sambayanan sa mga patutsada at palabas ni Duterte. Hindi na ito bago.