Advertisers

Advertisers

INA NI ISKO, NAIHATID NA SA HULING HANTUNGAN

0 440

Advertisers

NAIHATID na sa kanyang huling hantungan ang abo ni Rosario o Nanay Chayong, ina ni Manila Mayor Isko Moreno, Martes ( Oct. 27) ganap na alas-2:00 ng hapon.

Ang libing ng ina ng alkalde na naging isang pribadong seremonya at sumaksi sa isang socially-distanced na misa at pagbabasbas ng urna na ginanap dakong ala-1:00 ng hapon.

Ang mga miyembro ng pamilya, gayundin ang mga kaanak at kaibigan ay nakasuot ng face masks at face shields nang dumalo sa misa at nanatili upang personal na ipaabot ang kanilang pakikiramay sa alkalde.



Maluha-luha namang pinasalamatan ni Moreno isa-isa ang mga nakiramay sa pamamagitan ng elbow greetings matapos ang seremonya.

Si Rosario na mas lalong kilala bilang ‘Nanay Chayong,’ ay pumanaw noong Linggo (October 25) dahil sa karamdaman sa edad na 74.

Ang kanyang kamatayan ay naganap, isang araw matapos na magdiwang ng kanyang ika-46 taong kaarawan ang kanyang anak na si Moreno at ika-19 taong kaarawan naman ang apong si Joaquin na isang showbiz personality.

Ang kanyang labi ay agad na sinunog at pagkatapos ay inilibing din agad, gaya ng kanyang habilin na walang fanfare kapag siya ay sumakabilang buhay. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">