Advertisers

Advertisers

BONG GO: SERBISYO NG MALASAKIT CENTERS, EPEKTIBO

0 91

Advertisers

“The Malasakit Centers are living up to their name, showing true compassion and dedication to the people of the Davao Region.”

Ito ang sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go habang pinupuri ang Malasakit Centers sa Davao Region na naging epektibo ang serbisyo o pagtulong sa mga may pangangailangang medikal.

Ang tinutukoy ni Go ay ang positibong pag-unlad ng Malasakit Centers sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyente sa Davao Region, batay sa ulat ng Medical Assistance to Indigent Patient Program (MAIP) ng Department of Health (DOH).



Kitang-kita ang kabuuang tagumpay ng Malasakit Centers sa Davao Region, sinabi ni Sen. Go na ang kabuuang 590,562 pasyenteng naserbisyuhan ay sumasalamin sa tunay na epekto nito sa buhay ng mga Pilipino.

Ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City na nakapagsilbi sa 1,611 pasyente noong 2019 ay umaabot na ngayon sa 36,645 sa unang kalahati ng 2023. Ang Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City ay nagpakita rin ng paglaki o nakatulong na sa 2,769 pasyente noong 2020 at 25,649 noong unang kalahati ng 2023.

Ang mga ospital na pinatatakbo ng local government unit na may Malasakit Centers, kabilang ang Davao de Oro Provincial Hospital, Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City, at Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City, ay nakapagserbisyo na sa pinagsama o kabuuang 60,450 pasyente mula 2020 hanggang sa unang kalahati ng 2023.

“Ang pagdami ng bilang ng mga pasyenteng pinaglingkuran ng Malasakit Centers ay patunay sa epektibong serbisyo ng programa,” ayon kay Go.

Binigyang-diin din ng seenador ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mga institusyong pangkalusugan.



“Bunga ito ng matibay nating pagtutulungan para sa isang mas malusog na Pilipinas. Sama-sama, maaari tayong magpatuloy na gumawa ng pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan,” anang senador.

“I will continue to work towards enhancing medical assistance programs for the benefit of all Filipinos. The success of the Malasakit Centers inspires us to do more, and I am committed to ensure that this programme reach even more Filipinos in need,” dagdag niya.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o Malasakit Centers Act of 2019, na nagtatag sa Malasakit Centers.

Ito ay one-stop shop ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kinabibilangan ng Department of Social Welfare and Development, DOH, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Layon ng 158 operational Malasakit Centers sa buong bansa na bawasan ang gastos sa ospital ng mga mahihirap na pasyente.