Advertisers

Advertisers

NAWAWALANG PRESO SA BILIBID NALAMBAT SA RIZAL!

0 283

Advertisers

TAPOS na ang paghaanap sa nawawalang bilanggo sa New Bilibid Prison nang madakip ito ng pulisya sa Angono, Rizal.

Inihayag naman ng Bureau of Corrections na ipinag-utos ni Director General Gregorio Catapang Jr., na imbestigahan kung paano nakatakas si Michael Cataroja mula sa NBP sa Muntinlupa.
Bubuo ng board of inquiry para sa imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa pagtakas ni Cataroja.

Unang iniulat ni dating NBP Superintendent Angie Bautista ang pagkawala ni Cataroja.



Sinabi ni Bautista na nakulong ang 25-anyos na person deprived of liberty sa NBP sa paglabag sa ‘Anti-Fencing Law’.

Nagresulta ang pagkawala ng PDL sa congressional inquiry kungsaan sinabi ni Catapang na naniniwala siyang nakatakas si Cataroja.

Matatandaan na sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na natagpuan ang mga labi ni Catarojan sa NBP, pero kalaunan ay sinabing “fake news” lamang ito.

Inihayag ni Catapang nitong nakaraang linggo na posibleng buhay si Cataroja sa gitna ng mga ispekulasyon na patay na ito.

Iginiit niya ito sa joint hearing ng House committees on public order and safety.



“I am really exhausting all remedies, 24 hours hinahanap namin… There is a development, because right now there is a possibility that PDL Cataroja is still alive. Even his mother is telling us she wants her son to surrender to (Senator) Raffy Tulfo,” sabi ni Catapang sa mga mambabatas.

Tinalakay din ang umano’y illegal activities sa loob ng NBP sa nasabing committee hearing kabilang ang dalawang videos na makikita ang mga presong sina Rey Carlo Miranda at Jomar Macalansag, kapwa pinuno ng Commando Group, na namamahagi ng droga.

Makikita naman sa isang footage ang isang preo na nagre-repack ng shabu, at sapul din sa video ang isang PDL na may hawak na hinihinalang shabu na nakatago sa snack packaging.

Itinanggi nina Miranda at Macalansag na sila ang mga preso sa videos, na ipinakita ang kanilang mga tattoo sa kanilang braso bilang ebidensya. Makikita sa video na kapwa walang tattoo ang PDLs sa nasabing video.

Samantala, iniugnay ni Catapang ang mga insidente kamakailan sa national penitentiary sa desisyon na ilipat ang drug lords sa NBP sa ibang detention facilities.

“They want to put in place the new leadership that they want. Nagtataka nga po ako. Kasi nine months ako nag-takeover, I was able to hold on to it, then when I started transferring them, d’yan na po nagsimula ang gulo-gulo dyan sa loob,” aniya.

Hiniling din ni Catapang ang suporta para sa kanyang reform programs, at sinabing namana niya ang mga umiiral na problema sa loob ng NBP mula sa kanyang predecessors.

“I serve at the pleasure of the people and the President, and the Secretary. I am willing if told to resign from my position. But right now I will not resign, because I have a duty, a task to do. Please give me more time, because sinalo ko lahat ng problemang ito,” giit niya. (Mark Obleada/ Roy Tomadao)