Advertisers

Advertisers

NBI tinakasan ng nakaposas na suspek

0 182

Advertisers

NAKAPOSAS pa nang makorner ng Cavite Police ang isang takas sa kustodya ng National Bureau of Investigation (NBI) habang naglalakad sa Imus City, Cavite, Miyerkules ng hapon.



Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek na si Mark Anthony Clemente, 23 anyos, binata, isang delivery rider, ng 910 San Antonio St., Tondo, Manila.

Nanatili namang tikom ang pamunuan ng NBI sa nasabing insidente, hindi nasagot ang paulit-ulit na mensahe sa tagapagsalita nitong abogado na si Giselle Dumlao.

Sa ulat ni Chuef Master Sergeant Nino Corroland ng Imus City Police, 11:30 ng umaga ng Miyerkoles nang napansin ng mga opisyal ng Malagasang I-E habang naglalakad ang nakaposas na si Clemente sa Malagasang Road, Imus City.

Dinala si Clemente sa barangay at ipinaalam ito ni Brgy Captain Josefino Sayaman sa Component City Police Station kungsaan inimbestigahan at inamin ng suspek na tumakas siya mula sa ika-6 palapag ng gusali sa kustodiya ng NBI- International Operations Division na pinamumunuan Agnet Filipinas Astrero.

Hindi tinukoy kung paano ito nakatakas at nakarating sa nasabing lugar.

“He was being prepared for inquest when he fled from the office and out of the building,” saad ng insider.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Syndicated Estafa (Article 315 in relation to PD 1689).