Advertisers
PATAY ang isang laborer nang pagbabarilin habang sakay sa pampasaherong jeep sa Sitio Waray, Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal.
Kinilala ang biktima na si Ronaldo Talento, 32, ng Sitio Malibay, Brgy., Lumutan, General Nakar, Quezon.
Ayon sa ulat, nakasakay sa pampasaherong jeep na may plakang DMR 815 ang biktima kasama ang walo pang pasahero nang pagbabarilin.
Habang tinatahak ang Sitio Waray papuntang Brgy. Sampaloc, Tanay, isang hindi kilalang pasahero rin sa naturang jeep ang agad na bumunot ng baril mula sa dala-dalang backpack at walang kaabog-abog na pinaputukan ang biktima ng ilang beses, dahilan ng agarang ikinamatay nito.
Agad na bumaba ang salarin at tumakas sa hindi pa malamang direksyon.(PFT team)