Advertisers

Advertisers

Ganda ng gising!

0 471

Advertisers

Ganda ng gising!

Yan ang mga salita na nilagay ni Calvin Abueva sa kanyang Instagram account nang mabalitaang pwede na siya maglaro. Ito ay kahapon kontra sa NLEX.

“Ialay ko ang game namin sa mga fan ko at mga supporter ng Phoenix at ipakita kong muli kung ano kaya natin,” pangako ng tinaguriang D Beast.



Yung dati niyang coach sa Pampanga na si Alan Bernabe ay pinaalalahan siya na huwag na huwag nang ulitin ang kasalanan kundi daw ay mismo siya ang magpapa-ban sa alaga.

Si netizen Ellen Gamboa nag-post sa kanyang Facebook account na sana tuluyan nang magbago ang produkto ng San Sebastian Stags para sa kanyang pamilya.

Sabi naman ni Tata Selo si Abueva ay malaki ang pag-asa malinya sa tuwid na daan ngunit ang Payaso raw sa Palasyo ay hindi na niya inaasahan pang unahin ang bayan kaysa sarili. Naisingit pa ni Tatang sa usapan yung star-boarder sa Malacañang. Hehe.

Naniniwala naman si Pepeng Kirat na magtatanda na si Calvin. Pampa-exciting daw siya sa liga. “Bihira ang katulad ng star ng Fuel Masters kaya ayos na na-lift suspension niya,” diin ni Pepe. Ika nga sa wikang Ingles ay all is well that ends well.

***



Back to back ang victory ng Meralco sa Clark Bubble kaya 3-2 na W-L record. Kapwa sila ng kartada ng Phoenix at San Miguel.

Pinangungunahan ang Bolts ni Chris Newsome na maganda pareho ang opensa at depensa. Nagpapakita rin ang anak ni Coach Norman Black na si Aaron kahit rookie pa lamang.

Bukod sa basketball team ng Meralco ang maigi rin ang performance ay ang Corporate Communications Department nila

Nagpapasalamat tayo kina Joe Zaldariaga at Zen Fortaleza ng CCD ng power distribution company sa mabilis na aksyon para umabot ang pitak na ito sa oras. Mangyari ay nakaranas tayo ng brownout sa ating lugar kahapon ng umaga dahil sa bagyo.

Mabuti nakabalik ang kuryente ng tanghali para maisulat natin ito sa ating laptop at ma-email sa ating editor on time.

***

May kumakalat na tsismis na binabanatan ng ilang ayaw magpakilalang mga sports agent si LeBron James. Maugong na kesyo si LBJ daw kumakausap sa mga player na may mga kontrata pa upang hindi mahalata ang Klutch Sports ng kaibigang si Rich Paul.

May iba pa raw na bawal na ginagawa si King James sa liga pero hindi masita kasi superstar.

Hala ano masasabi dito ng kampo ng 4 na ulit na nag-Finals MVP?