Advertisers
SUGATAN ang dalawang tripulante nang masunog ang isang tugboat sa bisinidad ng Shell Island sa Cebu City nitong Lunes ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nasunog ang engine room ng MTUG Super Shuttle 3 alas -3:30 ng madaling araw.
Agad namang dineploy ng PCG ang BRP Suluan (MRRV-4406) upang tumulong sa pag-apula sa nasusunog na shuttle na nasunog habang patungong Ouano Wharf sa Mandaue City, Cebu.
Sinubukan umanong apulahin ng mga crew ang sunog ngunit hindi nila mapatay-patay ang apoy.
First degree burn ang tinamo ng dalawang tripulante na agad ding nilapatan ng lunas ng PCG at dinala sa hospital.
Samantala, naapula ang sunog 5:05 ng umaga.
Nahila narin ang MTIG Super Shuttle 3 ng MTUG TYL sa Ouano Wjarf Mandaue City. (Jocelyn Domenden)