Advertisers

Advertisers

FAKE NEWS UKOL SA AYUDA NAMUMUTIKTIK

0 83

Advertisers

AMINADO ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na madalas itong mabiktima ng fake news o disinformation tungkol sa ayuda.

Ang pahayag kay ginawa ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang kasunod na rin ng inilunsad na Media and Information Literacy Campaign ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Presidential Communications Office (PCO).

Sinabi ni Gatchalian na bilang isa sa mga signatories ng memorandum of understanding (MOU) ay titiyakin nila na ‘up-to-date’ at ‘credible’ ang mga impormasyon na naipa-publish sa kanilang social media accounts at website.



Inamin din ni Gatchalian na nakaka-frustrate sa panig ng mga benepisyaryo dahil kapag sinisilip ang kanilang official media accounts ay hindi updated lalo na ang mga datos at impormasyon ukol sa mga ayuda kaya napipilitan silang maghanap ng iba pang impormasyon.

Nakikita rin ng kalihim ang pangangailangan na magkaroon ang kanilang departamento ng disiplina upang mapamahalaang mabuti ang iba’t ibang mga programa na talagang kinakailangan ng mga pamilyang nangangailangan. (Gilbert Perdez)