Advertisers

Advertisers

No. 1 most wanted, 2 taon nagtago timbog sa Isabela

0 277

Advertisers

NAGWAKAS ang tatlong taon na pagtatago sa batas ng No. 1 most wanted person ng Southern Police District (SPD) nang maaresto ito sa operasyon sa Isabela.
Kinilala ang naaresto na si Alfredo Monterde Dela Cerna Jr. alias “Long hair” ng North Signal, Taguig City. Nadakip ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paz Esperanza Cortes ng Regional Trial Court Branch 271, kaugnay sa kasong murder. Walang piyansang inilaan para sa pansamantala niyang paglaya.
Naaresto si Dela Cerna ng pinagsanib na pwersa ng SPD, Regional Intelligence Division at Region 2 Police sa Old Palengke, Calamagui 1st, Ilagan City, Isabela, matapos ang halos isang buwang surveillance.
Si Dela Cerna ay nagtago at nagpanggap na breeder ng mga sasabungin manok sa Ilagan City nang makabaril-patay noong 2017 bukod pa sa may mga kaso ito kaugnay sa droga.
Nakapiit ngayon sa Taguig City Police si Dela Cerna.(PFT team)