Advertisers

Advertisers

‘CONSTITUTIONAL CRISIS’ MAAARI KUNG IPAPASA ANG MGA BILL NA MAGBABAGO SA PRANGKISA NG MGA POWER DISTRIBUTOR – NORDECO

0 103

Advertisers

NAGBABALA ang legal counsel ng Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) sa maaaring maganap na krisis sa konstitusyon kung papasa sa Kamara ang apat na bills na aamyenda sa prangkisa ng mga electricity distributors sa Mindanao.

Pinagdebatehan ng mga kongresista ang mga House Bill No. 5077, 6740, 6995, at 7047— mga naglalayong palawigin pa ang prangkisa ng Davao Light and Power Company, Inc.(Davao Light)—sa maaaring paglabag nito sa Konstitusyon at sa EPIRA EPIRA (RA 9136).

“Hindi pinapahintulot ng Konstitusyon ang pagpasa ng mga batas na magpapahina or makakapinsala sa mga kontrata o kasunduan. Sa mga HB 5077, 6740, 6995, at 7047, lubos na mapapahamak ang kasalukuyang kontrara ng NORDECO. Halimbawa, babaguhin nito ang dami ng mga lugar na sineserbisyo ng coop at paliliitin,” ani Atty. Jeorge Rapista, legal counsel ng NORDECO na dumalo sa sesyon ng Committee on Legislative Franchises.



Sumang-ayon naman sa pahayag ni Rapista sina APEC Partylist Rep. Sergio Dagooc at PHILRECA Partylist Rep. Presley De Jesus.

Binanggit ng mga mambabatas ang Non-Impairment Clause (Article III, Section 10) ng Konstitusyon bilang isa sa mga nilalabag ng mga bill, maging ang Section 27 ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) or RA 9137 na nagsasabatas na “lahat ng kasalukuyang prangkisa ay hahayaang magpatuloy sa kanilang buong takdang termino.”

Kung papasa ang mga panukalang ito, lubis na babaguhin nito ang mga prangkisang kasalukuyang tinutupad ng mga distributor tulad ng Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO), na kasalukuyang sineserbisyo ang mga munisipalidad at lungsod na bibabalak ilipat sa Davao Light.

Noong 2022, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na mismo ang nag-veto sa naunang bersyon ng panukala, dahil sa “apparent overlap at posibleng paglabag sa kasalukuyang mga prangkisa, permit, at kasunduan na hawak ng [NORDECO],” at tinawag itong “collareral attack” sa kooperatiba.

“Kung ang mga HB na ito ay ipapasa, maaari itong maging simula ng mapang-abusong ugali sa mga kooperatibang naghahangad na angkinin ang kanya-kanyang mga lugar ng prangkisa. Higit sa lahat, pinapangunahan nito ang wastong proseso na itinatag ng EPIRA ukol sa pag-suspinde o pagbawi ng prangkisa,” dagdag ni Rapista.



Para masagot ang mga hadlang sa mga panukalang ito, iminungkahi ng mga mambabatas ang pagsunod sa wastong administrative process para ma-review ang mga prangkisang kaugnay sa usapin. Iminungkahi rin ang pagdagdag ng probisyon sa mga HB na magpoprotekta sa mga aktibong kontrata ng mga kooperatiba.