Advertisers

Advertisers

PAPA LARRY GADON

0 95

Advertisers

PAPA na ang bagay na tawag sa kanya ngayon, dahil siya na ay Presidential Adviser on Poverty Alleviation. Yan si Atty. Lorenzo “Larry” Gadon, ang batikang abogado na talaga namang may puso at malasakit sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Nang amin siyang maging panauhin sa ‘virtual press briefing’ ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sinabi ni PAPA Gadon na suportado niya ang lahat ng programa ng mga ahensiya ng pamahalaan na magpapa-angat sa kabuhayan ng mga mahihirap nating kababayan.

Maging ang programa raw ng NATF-ELCAC na nag-aangat sa pamumuhay ng bawat Pilipino partikular na ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF at mga taga-suporta nitong mga front organizarions.



Sinabi ni Gadon na hindi maikakaila ang malaking tulong ng NTF-ELCAC sa pagbabago ng buhay ng mga dating miyembro ng mga komunistang-terorista bagamat kulang sa pondo.

Kaya’t kung siya nga raw lamang ang masusunod ay dagdagan niya ng pondo ang task force na pangunahing mandato ay tulungan ang mga nagbabalik-loob na mga CPP-NPA-NDF at ang kanilang mga taga-suporta sa malalayong barangay, nang sa ganun ay magtuloy-tuloy na ang pananagumpay ng pamahalaan na matapos na ang kaguluhang idinudulot ng mga ganitong klase ng rebelyon at mabigyang daan na ang kapayapaan.

Nakita niya anya ang kahalagahang ibinibigay ng programa ng task force na Barangay Development Program kung saan naglalagak ng P20 million para sa mga barangay na dating napepeste ng CPP-NPA-NDF at nalinis na ng tropa ng ating pamahalaan.

Ang BDP ng NTF-ELCAC aniya ang nakapagpasuko sa karamihan ng CPP-NPA-NDF na sa ngayon ay may 1,800 na lamang na miyembro na maari pa ring pagbigyan ng pamahalaan na sumuko at mabigyan ng maayos na pamumuhay.

Nilinaw ni Gadon na ang kanyang tanggapan kasi ay ‘recommendatory’ lamang na nanganaghulugang aksiyon lamang sa pamamagitan ng pag-momonitor sa mga ahensiya ng pamahalaan na tumututok sa kahirapan ang maaaring gawin nito, bukod sa pag-advice kay Pangulong Bong Bong Marcos ng mga bagay na magpapaganda pa sa mga programang para sa kahirapan.



Kaya sisimulan raw ni Gadon na magrekuminda na, ng mga lugar na dapat ay tutukan at tulungan din ng NTF-ELCAC upang lalo nang mapalaganap ang kapayapaan sa malalayong barangay o lugar, nang sa ganun ay makapasok din ang kaunlaran.

Pinayuhan din niya ang NTF-ELCAC na humingi ng ‘supplemental budget’ sa pamahalaan upang maituloy ang mga programa nito gaya ng BDP, dahil na monitor daw niyang sa kalagitnaan pa lamang ng taon na ito ay halos ubos na ang pondo ng task force.

Kitang-kita ang husay ng PAPA nating ito, at tunay na masipag dahil talaga namang nagtratrabaho. Hindi lugi si PBBM at ang pamahalaan sa pagkakapili kay Gadon para tumulong iangat ang mga kababayan nating mahihirap.

Ang kanya ngang pagiging PAPA at mga karanasan sa dating mga pribadong niyang posisyon ay sigurado ring maibabahagi niya sa pagpapa-unlad ng mga programa para sa mahihirap.

Dati lang naman siyang opisyal ng mga bigating kompanya gaya ng Kolonwel Trading Corporation, at Our Lady of Lourdes International Medical Center at Perpetual Help Hospital, bukod sa kanyang pagiging abogado at Managing Partner ng Gadon and Associate Law Office at Associate lawyer ng Antonio Abad and Associates Law office.

Sa kanyang mga karanasan lamang sa mga tanggapan kong nabanggit, pihadong lalakas ang presensiya ng panibago niyang opisina, dahil ika nga gagampanan niya ang ‘pivotal role’ sa pag-aadvise kay PBBM ng mga istratihiya at mga polisiya para malabanan ang kahirapan at mai-angat ang ating mga kababayang mahihirap.