Advertisers
NASA 12 riders ang hinuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang sumilong sa mga footbridge sa EDSA nitong Lunes ng umaga.
Sa Facebook post ng MMDA, magkakasunod na sinita at pinagmulta ang mga nasabing rider habang sumisilong sa nasabing lugar sa gitna ng malakas na pag-ulan nitong Agosto 14 ng umaga.
Idinahilan ng MMDA na bukod sa nakasasagal sa daloy ng trapiko, delikado rin ang kinagawiang ito ng mga nagmomotorsiklo lalo kapag umuulan.
“Kapag umuulan, iwasang magkumpulan sa ilalim ng mga tulay at footbridges dahil maaari itong maging sanhi ng aksidente,” ayon sa MMDA.
Idinagdag pa ng ahensya, layunin lamang ng ahensya na matiyak ang kaligtasan ng lahat ng motorista at maiwasan ang aksidente sa lansangan.