Advertisers

Advertisers

Public viewing sa labi ni dating Vice Mayor Danny Lacuna bukas na

0 153

Advertisers

BUKAS na para sa public viewing ang labi ng yumaong dating Bise Alkalde ng Maynila na si Danilo ‘Danny’ Bautista Lacuna sa Cosmopolitan Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Ang public viewing para sa lahat ng nais na magbigay ng kanilang huling respeto sa dating bise alkalde ng kabisera ng bansa ay magaisimula ngayong Lunes, August 14 hanggang Huwebes, August 17, mula alas-2 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Nakatakda naman ang libing ng dating bise alkalde sa Biyernes, Aug. 18.



Pumanaw sa edad na 85-anyos si dating Manila Vice Mayor Danilo “Danny” Lacuna nitong Linggo ng umaga, August 13, 2023.

Payapang namaalaam si dating Vice Mayor Danny Lacuna noong Linggo ng umaga, habang napapaligiran ng kanyang mga mahal sa buhay.

Naulila niya ang kanyang pamilya na si Melanie “Inday”Lacuna at limang mga anak na sina Mayor Honey Lacuna, Dennis, Liza at incumbent Manila Councilors Lei at Philip.

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating a life that spans further than just his years and into the hearts of us all where he will remain forever,” ayon sa post ng alkalde.

Si Vice Mayor Danny ay nagsilbi bilang Konsehal ng Maynila mula 1968 hanggang 1975 at Vice Mayor ng Maynila sa mga taong 1970 hanggang 1971, 1988 hanggang 1992 at ang pinakahuli ay mula 1998 hanggang 2007.



Itinatag nya rin ang lokal na partido pulutikal na Asenso Manileño kung saan kabilang ang dalawang alkalde ng Maynila na si dating Mayor Isko Moreno at incumbent Mayor Honey Lacuna. Nanalo din ang lahat ng mga kandidatong anim na konggresista, bise alkalde at mga konsehal nito noong nakaraang eleksyon.

Si Vice Mayor Danny din ay nagsilbing adviser ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa panahon ng kanyang panunungkulan. (ANDI GARCIA)