Advertisers
NANINDIGAN nitong Miyerkules si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na walang umiiral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, taliwas sa sinabi ng huli na nangako ang gobyerno ng Pilipinas na aalisin ang sasakyang militar.
“Hindi ko alam ang anumang ganoong kaayusan o kasunduan na aalisin ng Pilipinas mula sa sarili nitong teritoryo ang barko nito, sa kasong ito, ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal,” sabi ni Pangulong Marcos.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos i-renew ng gobyerno ng China ang panawagan nito noong Lunes para sa gobyerno ng Pilipinas na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal, na nasa exclusive economic zone ng Pilipinas mula pa 1999 at naging simbolo ng mga karapatan sa soberanya ng bansa at hurisdiksyon.
Idinagdag ng punong ehekutibo na binabawi niya ang anumang pangako sakaling magkaroon ng umiiral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa pagtanggal ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
“At hayaan mo akong magpatuloy, kung mayroong ganoong kasunduan, binabawi ko ang kasunduan na iyon ngayon,” sabi ni Pangulong Marcos.” (Vanz Fernandez)