Advertisers
MAGPAPATUPAD ng bawas sa singil sa kuryente ang Meralco ngayong Agosto.
Ayon sa Meralco, tatapyasan nito ng P0.29 kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa paparating na August bill.
Katumbas umano ito ng P58 bawas sa mga kumokonsumo ng 200 kwh, P87 sa konsumong 300 kwh, P116 sa konsumong 400 kwh, and P145 sa konsumong 500 kwh.
Ang bawas-presyo ay dulot ng pagbaba ng presyo ng kuryente galing sa mga supplier at spot market, kaya ang overall na singil ng Meralco para sa Agosto ay wala nang P11 kwh.
Pero may epekto rin ang muling paghina ng piso kontra dolyar, na sumampa na naman sa P56 kada US dolyar, at serye ng oil price sa presyo ng kuryente sa mga susunod na buwan.