Advertisers
NAPILI mula sa masinsin na tryouts, isasabak ang 19-man Philippine Team na binubuo ng mga batang manlalangoy (10 lalaki at 9 na babae) mula sa buong bansa sa 45th Southeast Asian Age Group Aquatics Championships sa Agosto 24-26 sa Jakarta, Indonesia.
Lahat ng 18 homegrown tanker na pinamumunuan ng multiple National junior record holder sa 13-under class na si Jamesray Michael Ajido mula sa Quezon City ang nakapasa sa itinakdang qualifying standard criteria (ika-5 na puwesto sa 2022 edisyon) sa isinagawang serye ng open tryout nitong Hulyo ng Philippine Swimming na pinamumunuan nina Miko Vargas at Secretary-General Eric Buhain sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa Malate para sa Manila leg, Vigan, Ilocos Sur para sa Luzon Ang Midsayap, North Cotabato ay kakatawanin ni Jie Angela Mikaela Talosig , habang si Catherine Cruz ang pambato ng Mabalacat, Pampanga, kasama sina Arabella Taguinota ng Pasig City, Bea Mabalay at Jennuel Boo De Leon mula sa Aklan.
Kwalipikado rin si Juan Marco Daos para sa boys 16-18 200m fly (2:08.29) ngunit piniling laktawan ang torneo habang nakatuon sa pagsasanay para sa World Junior Championship na nakatakda sa Setyembre 4-9 sa Israel.
Pinangalanan naman ni Buhain si Ramil Ilustre bilang head coach, habang mga assistant sina Cyrus Alcantara, Manuel De Leon, Mark Pido, at Wilfredo Cruz.