Advertisers

Advertisers

Operation ‘Biglang Liko’ ikinasa ng PDEA: Mga drug den sa Caloocan sinalakay, 6 huli

0 295

Advertisers

SA pamamagitan ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court National Capital Judicial Region Branch 130, Caloocan City ni Hon. Raymundo Vallega, 2nd Vice Executive Judge, ikinasa ang ‘Operation Paliko’ at sinalakay ang mga drug den, kungsaan naaresto ang anim katao sa Caloocan City ng PDEA Special Enforcement Service.
Unang sinalakay ang bahay ng isang Bobby Aguilar sa Barangay 148. Kasama sa naaresto sina Menard Ranjo, 23; Mark Joel Evangelista, 28; Jason Martinez, 39; at Joseph Badoria, 39 anyos, ng Brgy. 145, Caloocan City.
Nakuha mula kay Aguilar ang 5 medium size transparent plastic sachet at 13 small size heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Kasabay na sinalakay ang bahay ni Aloysious Jacinto. Kusang loob niya itinuro ang 2 medium size transparent plastic sachet at 6 small head sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Ang pangatlong target na si Bob Lester Cabrero ay naaresto naman ng Caloocan City Police Station . (Beth Samson)