Advertisers

Advertisers

96 benepisyaryo tumanggap ng negosyong bigasan packages sa Caloocan

0 288

Advertisers

May kabuuang 96 na benepisyaryo ang pawang nakatanggap ng negosyong bigasan packages mula sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan bilang bahagi ng Livelihood Distribution Program ng Public Employment Service Office (PESO) sa Buena Park.

Binubuo ang nasabing mga benepisyaryo ng mga miyembro mula sa vulnerable at low income sectors kabilang ang mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, at returning Overseas Filipino Workers (OFWs).

Aminado si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na karamihan sa mga benepisyaryo handang magtrabaho o mamahala ng sarili nilang maliliit na negosyo ngunit karamihan pinipigilan ng kanilang sitwasyon sa buhay, kaya naman ang livelihood distribution program ay isang magandang hakbang sa tamang direksyon para sa sila.



“Batid ko po na marami sa ating mga beneficiaries ang kayang-kaya at gustung-gusto pa magtrabaho o mag-negosyo, kaya naman inaasahan ko po na malaki ang maitutulong ng livelihood distribution ng PESO para sa inyong kabuhayan,” pahayag ni Mayor Along.

Nanawagan din ang City Mayor sa mga benepisyaryo na hayaang lumago ang kanilang mga negosyo at hinimok ang kanyang mga nasasakupan na pangalagaan ang mga oportunidad na ibinibigay ng pamahalaang lungsod sa kanila.

“Sa mga beneficiaries po natin, tiwala po ako sa inyong kakayahan na palaguin ang negosyong handog ng pamahalaang lungsod. Habang lumalaki ang negosyo ninyo, lumalago rin ang ekonomiya ng lungsod kaya tulong-tulong po tayo,” wika ni Mayor Along.

“Abangan niyo pa po ang iba pang nakalatag na proyekto ng pamahalaang lungsod at patuloy niyo pong suportahan ang mga ito upang mas makatulong sa kabuhayan ng mga Batang Kankaloo,” dagdag ni Malapitan.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">