Advertisers
ARESTADO ang apat na binata, kabilang ang kapangalan ni dating NBA star Kareem Abdul-Jabbar nang mahulihan ng iligal na droga sa buy-bust operation sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan nitong Sabado.
Kinilala ang mga naaresto na sina Alex Flores, 21, residente ng Barangay Minuyan; Thom Joshua Galono, 20, ng Brgy. San Manuel; Jeffrey Dacua, 25, ng Brgy. Sto. Cristo; at Abdul Jabbar Tandual,18, ng Tala, Caloocan City.
Sa report, ikinasa ang operasyon laban sa mga target 6:40 ng gabi sa bahagi ng Quirino Hi-way, Brgy. Sto Cristo.
Sa report, nakabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer kay Flores at sa kasabwat na si Galono na halagang P500 kaya agad inaresto.
Kasamang naaresto sina Dacua at Tandual nang mahulihan ng iligal na droga sa lugar.
Nakuha sa mga suspek ang tatlong small heat sealed transparent plastic sachet ng shabu, 2 medium heat sealed transparent plastic sachet ng shabu.(James de Jesus)