Advertisers

Advertisers

2 bumbero sugatan sa sunog sa Quiapo

0 229

Advertisers

SUGATAN ang dalawang fire volunteers sa sunog sa isang residential area sa Quiapo, Maynila Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga sugatang bumbero na sina SFO1 Bernard Duyan ng Paco Fire Station, at Ryu Onaro, Ronda fire volunteer, kapwa nagtamo ng mga sugat sa kanilang mga kamay.
Sa ulat ng Manila Bureau Fire Protection, tinatayang aabot sa P100 libo ang natupok ng apoy.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Honeylyn at Freddie Ay-ay sa Pasaje del Carmen, Quiapo.
Umabot ang sunog sa ikalawang alarma. Pitong bahay ang natupok ng apoy.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog. (Jocelyn Domenden)