Advertisers

Advertisers

‘Paltik’ ‘di pumutok: Adik bulagta sa parak

0 223

Advertisers

TODAS ang isang sangkot sa droga nang gantihan ng pulis nang hindi pumutok ang paltik ng suspek nang barilin ang pulis, Biyernes ng gabi sa Caloocan City.
Kinilala ang nasawing adik na si Ronald Aguinaldo, 40, ng Barangay 176, Bagong Silang.
Sa ulat, nagpapatrolya si Police Cpl. Joe Laurence Balinggao ng Bagong Silang West Sub-Station 12 sa Phase 9, Package 3, Brgy. Bagong Silang 7:30 ng gabi nang maispatan ang suspek na gumagala ng nakahubad at may nakasukbit na paltik sa baywang.
Nang lapitan ni Cpl. Balinggao si Aguinaldo, tinangka barilin ng huli ang parak ngunit sumablay ang kanyang paltik, dahilan para mabaril ito ng pulis at tumimbuwang.
Narekober sa bangkay ng adik ang kanyang paltik na kargado ng limang bala at dalawang sachet ng shabu.(Beth Samson)