Advertisers
KINANSELA ng Philippine Football League ang nakatakda sana nitong pagsimula kahapon matapos mag-positibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga players at staff habang nasa loob ng “ bubble”.
Ayon sa PFL, kabilang sa mga nag-positibo ang limang players, isang coach at dalawang clubs na sumailalim sa RT-PCR test noong October 21.
“Further tests were conducted on those with close contacts on these persons last Saturday, 24 October 2020 and three (3) returned positive.”
Kasalukuyan nang naka-isolate ang confirmed cases. Tiniyak din ng PFL na may mga inihanda silang protocol para sa sitwasyon.
“What is important is that all continue to adhere with the protocols which are aimed to prevent or minimize the spread of the virus. Upon checking, we have confirmed that those who tested positive admitted had a close contact with the player who was first to test positive,” pahayag ni PFL Commissioner Coco Torre.
Sinabi naman ni Atty. Edwin Gastanes, Philippine Football Federation general secretary, na prayoridad pa rin dapat ang kaligtasan ng lahat ng nasa bubble. Player man, staff o match official.
“We understand the current situation and with participants’ strict compliance with bubble-specific protocols, we hope to push through with kickoff in a few days,” ani Gastanes.
Nasa Seda Nuvali, Sta. Rosa, Laguna ang PFL bubble. Nakatakda namang gamitin bilang venue ng mga laro ang PFFNational Training Center sa Carmona, Cavite na tiyak din daw na maapektuhan ng bagyong Quinta.