Advertisers

Advertisers

SPD ‘KAMPEON’ SA KUMPETISYON NG CDM EXERCISES NG PNP

0 126

Advertisers

IPINAAABOT ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr ang kanyang pagbati sa mga nanalo at pinuri ang lahat ng kalahok ng Civil Disturbance Management (CDM) Exercises and Send-Off Ceremony para sa State of the Nation Address (SONA) 2023 noong Hulyo 20, 2023, sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Sinabi ni Nartatez na ang aktibidad na ito ay naglalayong ipakita ang puwersa na tutugon sa mga hamon na maaaring lumitaw at maisakatuparan ang misyon ng pagtiyak ng mapayapa at tahimik na paghahatid ng SONA ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr sa Hulyo 24 (Lunes).

Ang kaganapan ay dinaluhan ng CPNP, PGEN Benjamin C Acorda,Jr. kasama si PLTGen Michael F Dubria TADCO/Over All Supervisor, Security Task Force (STF) SONA 2023.



Sa kanyang mensahe, sinabi ni Acorda na ang kumpetisyon ng CDM ay nagbibigay ng pagkakataon upang ipakita ang kahandaan ng PNP sa paghawak ng iba’t ibang mga senaryo kung saan sila ay epektibong tumugon nang may propesyonalismo at lubos na pagpigil.

“The PNP recognizes the importance of effectively managing civil disturbance while upholding the principle of democracy and respect for the rights of every individual. Our role is to ensure a peaceful event for all those who express their views and opinions,” pahayag ni Acorda

Matapos ang masusing pagpapakita ng mga kasanayan at kakayahan, ang Southern Police District ay lumabas bilang kampeon. Tinanghal ding mga nanalo ang Quezon City Police District, 1st runner-up, at ang Special Action Force, second runner-up. Ang mga nagwagi sa kumpetisyon ay tumanggap ng mga tropeo.

Ang mga kalahok sa nasabing ehersisyo ay ang mga sumusunod: Limang Police District ng NCRPO, Regional Mobile Force Battalion (RMFB), at Special Action Force (SAF).

Ang bawat koponan ay dumaan sa tatlong stages ng competition : graded inspection, eight fundamental formation displays, at isang senaryo na nakabatay sa problema. Sa senaryo, may mga tunay na assailants na nakahanda na atakihin sila o magprotesta kapag may ‘civil unrest ‘na sinuri sa mga tuntunin ng mga parameter at pamantayan na ibinigay sa mga pamamaraan sa pagpapatakbo ng pulisya.



Ang mga pagsasanay sa CDM ay naglalayon na suriin at subukan ang kahusayan ng lahat ng mga yunit ng NCRPO CDM sa kasalukuyang mga pamamaraan ng operasyon ng pulisya sa paghawak ng civil disturbance at upang matukoy ang antas ng kasapatan ng paghahanda, pagiging epektibo, at mabilis na pagtugon sa iba’t ibang grupo ng pagbabanta habang nasa emergency situations. (JOJO SADIWA)