Advertisers

Advertisers

Nagpapanik na ang mga nasa likod ng ‘Tokhang’

0 168

Advertisers

NAGPAPANIK na ang mga nasa likod ng “Tokhang” kaugnay ng “War on Drugs” ng nakaraang administrasyon gayung wala pa namang nakakasuhan. Nasa proseso palang ng imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) prosecutors.

Oo! Mababasa sa kanilang mga salita at galaw ang pagkabahala. Na baka maisyuhan sila ng international arrest warrant ng ICC.

Inaasahang bago matapos ang taon or early next year (2023) ay mailalabas ng ICC ang kanilang imbestigasyon. At dito palang malalaman kung sinu-sino ang mga kakasuhan ng ‘Crimes against Humanity’, kasunod ang pag-isyu ng arrest warrant.



Pagkatapos ibasura ng ICC Appeals Chamber nitong Hulyo 18 ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil, baliktarin ang unang desisyon ng korte sa pagsagawa ng imbestigasyon sa war on drugs, nagwala na ang mga opisyal na nasa likod ng pagpatay sa halos 6,000 katao (ayon sa datus ng gobyerno). pero sa listahan ng local at international human rights ay nasa 12,000 hanggang 30,000 ang naging biktima sa war on drugs kuno ng Duterte administration.

Si ex-President Rody Duterte ay biglang nagtungo sa China, nakipagpulong kay Chinese President Xi Jinping, bagay na malaking insulto kay President “Bongbong” Marcos. Hindi isinapubliko kung ano ang kanilang pinag-usapan. Secret! Basta’t nakita lang si Duterte nakatungkod, nakaupo kaharap ang lider ng mahigit isang bilyong mamamayan ng China.

Nauna nang sinabi ni Duterte na hindi siya pahuhuli sa ICC. “Over my dead body”, sabi niya.

Si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ang mastermind ng “Tokhang” nung Chief PNP siya ni Duterte, ay nagwala sa Senado. Naghamon sa ICC: “Deadma! Deadma! Hanapin n’y ako…nasa Pilipinas lang ako…nasa Senado lang ako!”.

Sabi naman ni Semate President “Migz” Zubiri, isusuko lang nila si Bato sa ICC kung mayroong local arrest warrant.



Ang payo naman ni Justice Secretary “Boying” Remulla kina Duterte at Dela Rosa: “Iwasan ang pumunta sa mga bansang miyembro ng ICC.” Boom!

Nagyabang naman ang 99-anyos na Presidential Chief Legal ni Pangulong Marcos Jr. na si ex-Senator Juan Ponce Enrile, ang nagkudeta noon sa yumaong pangulong ama ni PBBM. Ipaaaresto niya raw ang mga taga ICC ‘pag lumapag sa Pilipinas. Hehehe…

Si PBBM naman, inatasan ang Justice department na huwag nang makipag-usap pa sa ICC. Period!

Sa ulat ng Vira Files, kabilang sa mga iimbestigahan ng ICC sina Duterte, ang kanyang anak na si Vice President Sara, Sen. Dela Rosa, at ilan pang PNP officials.

Ang ICC ay mayroong 123 miyembrong bansa out of 195 countries in the world. Ang Pilipinas ay kumalas lamang noong 2018 nang imbestigahan ng ICC ang walang patumanggang mga pagpatay sa ‘war on drugs’ ng Duterte administration.

Ang malalaking bansa na hindi miyembro ng ICC ay ang China, India, Russia at USA.

Si Russian President Putin ay may arrest warrant sa ICC. Kaya hindi ito lumalabas ng kanilang bansa ngayon.

Ang ICC ay walang police power para mang-aresto sa kanilang mga kinasuhan. Umaasa lang ito sa member countries.