Advertisers
Ni BETH GELENA
NABANGGIT ni Ivana Alawi na mayroon umanong artista na umaaway sa kanya sa kanilang recent show.
Hindi raw naman niya ito pinatulan.
Kahit naman daw noong bago pa lang siyang nag-aartista ay marami nang nagmaldita sa kanya sa GMA.
Pero inamin niyang hindi matatawaran ang kabaitan at kabutihan ng puso ni Barbie Forteza, ang Kapuso aktres
Sa bagong vlog ni Ivana ay sinagot niya kung may nakaaway na ba ito na kapwa niya artista.
Ani Ivana, nangyari lang daw iyun sa pinakahuling show na kanyang nagawa. “Merong umaway sa’kin pero never akong nakipag-away sa kanila. Hindi ko pinapatulan. Meron din sa recent show namin. Pero alam mo yun, I will not stoop down to your level. Kung gusto mong makipag-away mag-isa ka. Pero hindi ko siya kakausapin. Hindi ko rin pa-plastikin.”
Marami na raw talaga ang nagmamaldita sa kanya lalo na iyong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
May nicest person naman daw siyang maituturing lalo na sa GMA, ang aktres na si Barbie.
Aniya, hindi kataka-taka kung bakit kabi-kabila ang biyayang natatanggap ni Barbie dahil sa kabutihan ng kanyang puso.
Si Ivana ay unang nakilala nang sumali sa reality show na “StarStruck” sa GMA-7.
Pero mas sumikat siya sa mundo ng vlogging.
Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang YouTube subscribers.
***
May asim pa rin…
FANS NINA JOLINA AT MARVIN KINILIG
KInilig ang fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa video ng magka-labtim.
Nag-guest si Marvin sa “Magandang Buhay” kung saan isa sa host si Jolens.
Viral ang kuhang video ni Marvin kung saan naglalakad siya papuntang stage habang makikita sa mukha ni Jolina ang shocked expression sa mukha.
Nang magkalapit ay mahigpit na nagyakap ang dalawa.
Nagbigay ng quote si Jolina mula kay Elisabeth Foley, “The most beautiful discovery true friends make is that they can grow separately without growing apart.”
Meanwhile, Jolina’s post eventually caught the eye of Marvin who said, “Grabeee naman makayakap yang “bestfriend mo lang naman” parang miss na miss ka.”
***
LJ BLOOMING SA BAGONG MAKE UP
Blooming si LJ Reyes sa kanyang glossy and glassy makeup.
Ibinida ng professional makeup artist na si Mikka Marcaida ang ganda ng soon-to-be bride na si LJ sa kanyang Instagram post.
Inilarawan nito ang makeup niya kay LJ bilang glossy and glassy at marami ang nagkomento sa pagiging blooming ng aktres.
Si Marcaida ang magiging official make up artist ni LJ kung saan kasama rin niya ito sa wedding planning para sa nalalapit nitong pagpapakasal sa non-showbiz fiance na si Philip Evangelists
***
NAG-reak si Richard Gutierrez sa blooming romance ng kapatid na si Ruffa Gutierrez kay Herbert Bautista.
“Boto ako sa kaligayahang hangad nila,” aniya.
Mahalaga para The Iron Heart actor na makitang masaya ang 49-year-old elder sister samantalang 55 naman na si Bistek.
Wala pa namang direktang kumpirmasyon mula kina Ruffa at Herbert sa tunay na estado ng kanilang relasyon, pero nakikita ni Chard na masaya ang kanyang kapatid.
Naipakilala na nga raw ni Ruffa si Herbert sa pamilya Gutierrez.
“Oo naman, sobrang bait ni Kuya Herbert sa amin,” saad ni Richard.
“Kung saan sila masaya, boto ako sa kaligayahang hangad nila. Basta naka-smile ang ate ko.
May sarili nang pamilya ang actor at masaya sila ng misis na si Sarah Lahbati at dalawang anak na sina Zion, 10, at Kai, 5.
Samanta, happy si Richard na nasa second season na ang teleserye niyang The Iron Heart kung saan pumasok ang bagong character nina JM de Guzman at ng Maysian actress na si Carmen Soo, ang kapareha noon ni Jericho Rosales sa Kahit Isang Saglit serye 15 years ago.