Advertisers

Advertisers

PAMPALUBAG-LOOB

0 329

Advertisers

PINAGLALARUAN ni Xi Jinping si Gongdi nang dumating sa Beijing tatlong araw bago bumaba ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na ituloy ang formal investigation laban sa kanya kaugnay sa malawakang patayan sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga. Alam ni Xi na walang poder si Gongdi at walang itutulong sa Tsina ang tila bangag na dating pangulo. Pinagbigyan si Gongdi dahil dati na nilang pinakinabangan ang taksil na lider.

Nangangatal sa takot na dumating si Gongdi noong Linggo (o Sabado) sakay ng isang eroplano na palaging nakahimpil sa Davao City kahit hindi na siya ang pangulo. Mabilis siyang kinandili sa Beijing ng pamahalaang Tsino. Aso nila si Gongdi at hindi nila pababayaan ang kanilang aso. Noong Lunes ng gabi, hinarap si Xi si Gongdi na may dalang baston dahil may problema na siya sa kanyang likod at balanse ng katawan.

Martes ng hapon (4pm, Manila time) nang iniharap ang desisyon ng ICC kung saan nagpasya ang ICC Appeals Chamber na ituloy ang formal investigation sa sakdal na crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte sa ICC. Nag-apela ang gobyernong Filipinas sa pangunguna ni Boying Remula ng DoJ na tuluyang iurong ng ICC ang formal investigation ngunit tinanggihan ito ng ICC Appeals Chamber.



Inunahan ni Gongdi ang ICC. May poder kasi ang ICC na maglabas ng arrest warrant kahit nasa estado ng formal investigation ang sakdal. Alam ni Gongdi na tutuluyan siya ng ICC. Hindi niya hinintay na maglabas ng arrest warrant at nanginginig na tumalilis tungo Beijing. Palaisipan kung babalik sa Filipinas si Gongdi. Hindi siya kilala bilang matapang at marangal na tao. Mas kilala siyang kriminal na ang kaya ay ang mga mahihina, walang lakas at poder.

Iniwan ni Gongdi ang mga matatapat na opisyal ng pamahalaan na nagpatupad ng napurnadang giyera kontra droga. Iniligtas ang sarili at hindi binitbit ang mga taong tulad ni Bato dela Rosa na pumirma sa Memorandum Circular ng Project Double Barrel at nagpatupad ng dalawang mukha ng utos na ito – Oplan Tokhang at Oplan High Value Target. Haharapin ni Bato mag-isa ang imbestigasyon ng ICC. Ipinagmalaki ni Bato na si Francis Tolentino ang abogado niya. Maraming natatawa dahil hindi magaling si Francis.

Hindi kami magtaka kung bumaligtad ang ibang haharap sa sakdal lalo na ang mga heneral at iba pang mataas na opisyales ng PNP na pawang iniwan ni Gongdi sa ere. Wala silang magagawa kundi bumaligtad at idiin si Gongdi dahil wala silang maaasahan na ayuda sa kanya. Hanggang salita lang si Gongdi. Ang pangako niya na hindi niya sila pabababayaan ay pangako lang. Tumakbo si Gongdi sa huling sandali. Paano ang kanilang pamilya, career, reputasyon, pagkatao, at lahat-lahat sa bansa? Ganoon na lang?

Samantala, nagmamalaking sinabi ni Migz Zubiri na bibigyan ng proteksyon ng Senado si Bato kontra sa imbestigasyon ng ICC. Abogado si Migz ngunit hindi niya nilinaw kung anong uri ng proteksyon ang ibibigay kay Bato. Mukhang hindi niya alam na obstruction of justice ang kanyang gagawin at paninindigan. Hindi matutuwa ang ibang senador dahil dadalhin niya sa kahihiyan ang buong institusyon ng Senado. Kunsabagay, walang ipinagmamalaki ang Senado dahil pinamumugaran ang Senado ng mga payaso at mangmang.
.
May mga maaanghang na biro ang mga netizen na kapag pumayag ang mga senador na bigyan ng proteksyoin si Bato, hindi sila nalalayo sa mga gang ng mga kriminal tulad ng Sigue-Sigue Sputnik at Bahala Na Gang. Hindi nanaisin ng mga senador na sumadsad ang kanilang reputasyon. Tututol sila sa gusto mangyari ni Migz.

May mga nabasa ako na ilang post na magpapatiwakal si Gongdi kung si Harry Roque ang kanyang abogado sa laban niya sa ICC. Kasama kami sa mga sumasang-ayon na hindi magaling si Harry. Overrated lang. Walang nalalaman si Harry. Maingay lang pero walang laman ang pinagsasabi.



Batid namin na si Harry ang nagpayo kay Gongdi na pangunahan ng huli ang pagtiiwalag ng Filipinas sa ICC. Nangyari nga at sumang-ayon ang Korte Suprema sa desisyon ni Gongdi sa pagtiwalag. Pero hindi binasa ni Roque ang probisyon ng Rome Statute. Hindi nakatulong ang pagtiwalag at mas lalong nalubog at nadiin si Gongdi sa sakdal. Naging patunay na mahing klase si Harry. Pipitsugin at patapon na manananggol.

***

KUMALAT ang balita sa social media na kasama ni Gongdi si Sara at Bong Go sa Beijing. May problema si Sara sa kanyang political career sa hinahaharap. Hindi namin alam kung magpipilit tumakbo si Sara sa 2028 kasi binanggit siya sa isang ulat ng VeraFiles na kabilang sa mga iimbestigahan ng ICC kaugnay sa giyera kontra droga ni Gongdi.

May mawawala ang kanyang tsansa kung mabibilang si Sara sa mga defendant sa malawakang patayan noong panahon ng kanyang ama. Hindi namin alam ang detalye ng ICC kontra sa kanya. Ngunit batid namin na sinabi ni Lascanas sa affidavit na nagbigay pahintulot siya na ipapatay ang mga pinaghihinalaang kriminal noong alkalde siya sa Davao City.

***

MAY sinabi si Mike Navallo ng ABS-CBN:

How ICC PH drug war probe was almost lost on the issue of jurisdiction: ICC Appeals Chamber voted 3-2 to affirm authorization for ICC Prosecutor to proceed with drug war probe. A new argument raised by PH only during appeal almost tilted the balance in favor of ending the probe.

May sumagot sa sinabi ni Mike: It does not prove anything. The PH gov’t still lost. Whether its 5-0, 4-1, or 3-2, says the PH gov’t is lost. Let’s not dignify losing causes. Let’s end the conversation of these what ifs.

Tama. Talo ang gobyerno ng Filipinas sa usapin. Kung gusto nilang maghabol, malaya sila. Ngunit hindi na tatanggapin ng ICC Appeals Chamber ang apela. Nagdesisyon na ang Chamber sa pinakahuli.

***

MAY maliit na balita kaming nakalap. Sinuspinde ng Korte Suprema si dating presidential spokesman Trixie Cruz-Angeles sa practice of law sa susunod na anim na buwan dahil sa paggamit ng mga salitang hindi angkop sa husgado. Pinagalitan ang kanyang kasamang abogado na si Ahmed Paglinawan.

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “It’s wrong for Boying Remulla to think the ICC is a kangaroo court like the Philippine court. He was hoping. It didn’t happen.” – PL, netizen

“From hereon, the Office The Prosecutor will soon come out with specific indictments, together with the issuance of arrest warrants, hopefully before the end of the year. By that time, the accused can no longer be represented and aided by the PH gov’t but instead have to face the ICC on their own.” – Leila de Lima, prisoner of conscience

***

Email:bootsfra@yahoo.com