Advertisers

Advertisers

PREACHER, SK CHAIRMAN PATAY SA PAMAMARIL!

0 167

Advertisers

NASAWI ang isang preacher nang barilin ng isang humingi lamang ng tubig sa Libmanan, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng PNP, 6:00 ng umaga ng Hulyo 19 nang mangyari ang insidente sa Sitio Dinumpilan, Barangay Malinao.

Napag-alaman na dalawang hindi nakilalang lakaki ang humingi ng tubig kay Dindo Candellaria, 39 anyos, preacher ng Christian Bible Baptist Church.



Sa pagbigay ng tubig, biglang pinagbabaril si Candelaria at bumagsak ito. Nasaksihan ng kaniyang asawa ang krimen.

Nakakuha ang mga otoridad ang 4 na basyo ng kalibre 9mm.

Ayon kay EMS Joel Bencolado, tagapagsalita ng Libmanan MPS, kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng mga imbestigasyon sa krimen.

@@@

NASAWI naman sa ambush ang pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation ng Maco, Davao de Oro nitong Martes.



Kinilala ang biktima na si Jorlan “Bon” Sacay, 24 anyos, SK chairman ng Barangay Binuangan, Maco.

Ayon kay Lt Colonel Emerson Pugong, hepe ng Maco Municipal Police Station, 7:30 ng gabi nang barilin ang biktima sa harap ng bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na galing sa pagpupulong ang biktima sa naturang munisipyo. Pagsapit nito sa tapat ng kanilang bahay, hindi paman ito nakababa, sumulpot ang riding in tandem. Isa sa mga ito ang bumaril sa biktima at mabilis na humarurot patakas.

Naisugod pa sa Davao Regional Medical Center ang biktima subali’t idineklarang dead on arrival.

Inaalam pa ng otoridad ang motibo ng pamamaslang.