Advertisers
MALUBHA ang kalagayan ng mayor ng Pigcawayan, Cotabato at limang kamag-anak kabilang ang dalawang bata, sanhi ng isang matinding vehicular accident sa Digos City, Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Pigcawayan Mayor Juanito C. Agustin, 54 anyos; misis na si Nancy, 42; anak na sina Nikiey, 9; at Juan Agustin, 15; at Jackie Agustin, 37.
Sa ulat ni Lt. Colonel Hamlet M. Lerios, hepe ng Digos City Police Station, mismong si Mayor Agustin ang nagmamaneho ng Nissan Navarra pick-up truck na pag-aari ng kanilang local government unit, sakay ang lima pang kamag-anak, nang mabundol nito ang isang center island sa isang bahagi ng Digos-Cotabato highway sa Barangay Tres de Mayo sa naturang lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng traffic personnel ng Digos CPS, nabatid na nawalan ng kontrol ang alkalde kaya nito nabangga ang sementong istruktura.
Unang naiulat na maselan ang kalagayan ng mayor na nawalan ng malay sanhi impact ng pagkakabangga ng sasakyan sa istruktura, at agad namang naisugod ng emergency responders ng Digos City LGU sa Digos Doctors Hospital.
Ayon sa mga kamag-anak alkalde at ng Pigcawayan LGU officials, naging responsive na ito at mabuti na ang kanyang vital signs bago magtakipsilim nitong Myerkules, ngunit kinakailangan pa rin niya ang extensibong medical intervention.