Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BIGLANG naalala ni Barbie Imperial nung nasa bahay pa siya ni Kuya sa sinalihan nitong reality show na PBB.
Dahil sa ngayon ang sistema ng taping ay ang lock in or walang uwian hanggang di tapos ang mga eksena na kukunan.
Sa bagong serye na Bagong Umaga ay si Barbie ang ipinalit kay Julia Barretto.
Hindi naman malaking usapin kay Julia kung second choice siya sa nasabing serye.
Ang ikinaloloka lang nito ay ang kanyang pagbe-breakdown kapag naho-homesick.
Nasanay kasi ito na after work ay kasama na nito ang family na hindi tulad ngayon na grabe ang pagka-miss nito sa kanyang kapatid.
Okey lang daw ang mudra nito na kasama niya sa lock in taping, as in kapag naaalala nito ang kuya at ang kanilang bahay ay doon na raw pumapasok ang pagka-homesick nito sa lock in taping.
Pero nag-thank you naman ito sa kabila ng pandemyang umiiral ay marami siyang kapwa niya artista na walang trabaho.
Kaya mapalad pa rin si Barbie na kahit may health problem ang bansa ay may trabaho pa rin ito.
At dahil siya ang breadwinner ay handa naman itong tiisin ang kanyang pagka-homesick alang-alang sa pamilya.
***
SINALAG ng bf ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez ang mga pamba-bash ng netizens.
Dahilan nga nito ay ang paglipat sa TV 5 para sa bagong programa.
Okey nga raw na nagpasalamat si Maja sa kanyang dating home studio, ang ABS-CBN.
Sa pag-thank you nga ni Maja sa ABS-CBN sa 17 years niya sa nasabing network, may ibang netizens na tila eklabo lang ang mga chika belle nito o kanyang kuda.
Hindi nga raw ramdam ng netizens na trulili ang mga chika ni Maja.
Kaya naman tuluyang na-bash ang singer-dancer-actress ay ang nag-i-invite ito sa kanyang socmed para panoorin ang kanilang SNL .
With due respect nga raw ayon sa netizens ay katapatan ng ASAP na 17 years siya sa dating programa.
At iisa lang naman ang batikos kay Maja ng bashers, wala nga raw itong utang na loob.
To the rescue naman ang bf na si Rambo Nuñez na wala raw alam ang basher kung bakit nagpasiya si Maja na lumipat ng ibang network kaya wala raw karapatan ang mga basher na akusahan si Maja na walang utang na loob.
Ikinatuwa naman ni Maja ang pagtatanggol ng kanyang bf kontra sa bashers.
Well, well, well…’Yun na!