Advertisers

Advertisers

Para makatipid… Cassy nanghihiram ng bag at sapatos kay Mommy Carmina

0 251

Advertisers

Ni BKC

UMAMIN si Cassy Legaspi na tumatak sa kanya ang payo ng mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na mag-ipon.

Kuwento ng young Kapuso actress sa interview niya sa GMANetwork.com, “Hindi ako ma-splurge o ma-designer brands. I’m a super-super saver, so I share shoes with my mom, I share bags with my mom. Why would I buy? Mayroon naman branded si mommy. Yeah, borrow, borrow na lang.”



Para naman kay Mavy, wala siyang nakikitang masama na maglabas ng pera paminsan-minsan at ayon sa kanya ay nakatutulong din ito para lalong ma-motivate sa trabaho. “When I was making money na out of my own work, siyempre save muna. But there are times na talaga you feel na you need to reward yourself kumbaga,” wika niya.

Samantala, lubos naman ang kasiyahan ni Cassy nang mapili siya ng MAC Philippines na ipakilala ang mga produktong ineendorso ng kanyang idolo na si Lisa Manoban ng grupong BLACKPINK dito sa bansa.

“Just hearing about this, I cried. I am not even joking. I cried when MAC called and said, ‘hey you want to present a super nice collection that you like?’ They didn’t tell me what it was. I was shookt… who wouldn’t want to have Lisa’s makeup?,” ani Cassy.

Pilot episode ng ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly., pinuri ng viewers!

‘Save the best for last’ iyan ang sinasabi ng ilang netizens sa pilot episode ng huling installment ng GMA drama anthology na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ noong Lunes (Oktubre 19).



Tampok sa last mini series ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kasama si Rhian Ramos. Marami ang nagandahan sa naiibang kwento ng serye na pinaghalong romance at mystery pati na rin sa kahanga-hangang performance na ipinamalas ng mga bida.

Sey ng isang netizen, “Congrats to the actors, director and whole staff and crew of the series. The best among the 4 series of I Can See You!”

Pinuri rin ng netizen ang kakaibang format at concept ng naturang drama anthology, “GMA’s I Can See You has something that everyone should be proud of. Different and superb artists with different great stories per week is a great idea!”

Mapapanood ang ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ tuwing gabi hanggang ngayong Biyernes, 9:15PM, sa GMA Telebabad.

***

‘Descendants of the Sun,’ balik-telebisyon na simula October 26

Marami na ang nakaabang sa pagbabalik ng internationally-acclaimed primetime series na “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation” sa telebisyon simula sa Lunes, October 26.

Muli na ngang mapapanood sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang sina Big Boss at Beauty. Kasama rin sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith bilang sina Wolf at Moira.

Una munang mapapanood ang recap nito simula October 26, habang ang fresh episodes naman ay magsisimulang maipalabas sa darating na November 5.

Sama-sama nating abangan ang pagbabalik ng DOTS sa GMA Telebabad.

***

Kapuso stars join sa online Kapuso Food Fair 2020

Bukas na para sa publiko simula nitong nakalipas na October 20 ang kauna-unahang online Kapuso Food Fair na tampok ang food businesses ng ilang Kapuso celebrities at employees, pati na rin iba’t ibang concessionaires.

Kabilang dito ang Holy Smokes BBQ ni Carla Abellana, Martina’s Bread and Pastries ni Aiai delas Alas, Bea Bakes ni Bea Binene, Avenue 75 Sports Bar ni celebrity Chef Jose Sarasola, at EliziTea milk tea shop ni Jenzel Angeles.

Kasama rin ang Family Favorites ni Andrea Torres, Adobong Tuyo ni Mommy Sarrie ni EA Guzman, Cinnamoans Manila ni Mike Tan, Loaf You ni Bianca Umali, at K&G Seafood ni Neil Ryan Sese.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin at i-follow ang official Facebook at Instagram accounts ng Kapuso Fest, ang @KapusoFEST.

***

Mikoy Morales may kakaibang style ng self-care

Sa nakaraang episode ng GMA Artist Center online show na ‘Cool Hub,’ ibinahagi ng Kapuso actor na si Mikoy Morales kung paano niya inaaliw ang sarili habang naka-quarantine.

Ayon sa kanya, sinimulan niyang mangolekta ng mga Star Wars, Marvel, at  D.C. action figures, “My dad used to go to Japan a lot for work. He would always come home with lots of Star Wars toys. ‘Yun kasi ‘yung era na ‘yun, e… Simula noong nagkatrabaho na ako, ginagawa ko na siya na parang self-fulfillment na natutuloy ko siya with my own money. I get to buy them and I get to buy things for myself. It’s a way of self-care for me.”

Kasalukuyang napapanood si Mikoy tuwing Biyernes sa ‘Bubble Gang’ at sa ‘Pepito Manaloto’ naman tuwing Sabado.