Advertisers
JUST recently, trending ang issue ng panununtok ng isang coach sa MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) sa kanyang player. Itinulak at sinikmuraan o dinibdiban dalawang beses ni MARIKINA SHOEMASTERS Team Coach ELVIS TOLENTINO ang magaling niyang player na si FELIPE CHAVEZ dahil sa isang wrong move na umani ng sari-saring reaksyon. First time ang paglutang nito sa Pinoy basketball history, if we may recall. Marami na ring insidente ng pisikalan sa loob ng basketball court pero players ang nagkakatalo at hindi coach ang nananakit, yun ang ikinaiba.
May ilang players na nagpakawala ng opinyon pabor kay TOLENTINO na normal na ang pisikalan sa basketball. Si WILLIE MILLER na nagyabang pa at nagmura ang nangunang target ng bashers. “ Dapat pinagbabanatan ang mga bata ngayon, pati ang mga parents ang aarte nyo, mga hay.p kayo”.
May netizens namang nagkomento pabalik, “ Mga GAGO kayu, dti idol ko kau, ndi na,” “ Mga PBA players na nagpa-interview, Hindi maitatama ang mali sa isa pang mali”, “ Sa PBA motoclub na players pabor sa ginawa ni Tolentino, if you use your fist, that’s assault.”
“ Hindi ka na lang sana nag-coach kung di mo kayang I-handle ang anger issue mo, dalhin ang team at pakisamahan ang mga player, better to advise him and educate the wrong that he did instead of this lamest action, c’mon bro be professional.”
Pinatawan naman ng MPBL si TOLENTINO ng 75k fine at 1 game suspension para sa final review sa action nitong ikinonsider na ‘conduct unbecoming of a professional coach”. Pinaninindgan ng MPBL na walang lugar ang violence sa kanilang liga at basketbol.
Ang mensahe ni Commissioner KENNETH DUREMDES: “We would like to reiterate our commitment to fostering a positive and safe environment that is free from violence and conducive to fair play, respect, and sportsmanship for all players, coaches and staff members during every game and every event”. Salute to MPBL!
Saludo rin kami kay veteran cager GERRY ESPLANA sa komentong: “There are s many ways para I-correct mo yan noh, pero hitting is a note so impossible, lalo na sa trabaho natin, we’re promoting sportsmanship and professionalism
Hirit pa rin ang comments ng Sports followers na hindi umano sapat ang parusang ipinataw sa coach na walang professionalism sa liga at deserving ito for a lifetime ban. May mga sumisilip din sa status umano ni TOLENTINO na ginagamit o pinapraktis ang posisyon bilang kilalang politician sa Marikina sa titulong Councilor. What do you say, mga Kaisport?
JULY SPECIAL
MANY HAPPY RETURNS OF THE DAY to my uncle, Dr. FLORINIO ARRIETA FRANCISCO, Pediatrician Emeritus at Nueva Ecija Doctors Hospital, Incorporated. A blessed 1st anniversary in heaven is petitioned for his wife, Tita Dra. BABY JIMENEZ-FRANCISCO. Best blessings be with you. HAPPY READING!