Advertisers
ISANG kagawad ng barangay ang pinagbabaril at nasawi nitong Huwebes sa Pilar, Sorsogon.
Kinilala ang biktima na si Simeon Militante Jr., na tinamaan sa ulo nang paputkan ng hindi pa nakikilalang salarin.
Ayon kay Police Capt. Christiangil Escalante, hepe ng Pilar Municipal Police, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa pangyayari upang malaman ang motibo sa krimen.
Hindi pa anila makumpirma kung nakamotorsiklo rin at kung ilan ang responsable sa pamamaril.
Galing daw sa paniningil ng pautang ng mga panindang karne at manok ang biktima sa kanilang barangay at pauwi na nang mangyari ang insidente.(PFT team)