Advertisers
MAS malaki pa raw sa population ng Quezon City, ang most populous city sa Pilipinas, ang mga Chinese nationals sa bansa. Nakababahala na ito!
Ito ang ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros sa patuloy na pagdinig sa “pastillas” scheme sa Senado few days ago.
Ang Quezon City ay may population na 2.9 million noong 2015 census. Posibleng lagpas na sa 3 million ito ngayon.
Ibinuking din ni Sen. Frank Drilon na karamihan sa mga Chinese na nakapasok sa bansa ay iligal, pineke ang mga dokumento, ginawang retirees ang mga edad 35 hanggang 40 anyos.
Karamihan sa mga Intsik na ito’y nagtatrabaho sa mga iligal na POGO at mga proyektong pinondohan kuno ng Chinese government.
Say ni Hontiveros, nakapagbulsa na ng mahigit P40 billion ang mga taga-Bureau of Immigration na nasa likod ng pastillas scheme.
Isa sa mga pinangalanang nasa likod ng pastillas ay si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre, na nasangkot din sa pangingikil sa isang casino tycon few years ago.
Sabi nga ng beteranong kolumnistang si Ramon Tulfo, helikopter pa ang nagde-deliver ng milyon milyong pera sa probinsiya ni Aguirre sa Quezon.
Ayon naman sa whistleblower ng pastillas na isang immigration officer, ang bilyon bilyong salapi na kinita ng sindikato sa pastillas ay gagamitin sa darating na presidential election 2022. Malamang!
Ang sa akin naman, bakit kailangan pang maglagay nitong mga turista o trabahador na Chinese kung ligal ang pagpasok at purpose nila sa Pilipinas?
Ang mga naglalagay ay yaon lamang mga iligal at may masamang rekord. Rayt?
Kaya kung totoo si Duterte sa kanyang inanunsyo sa lingguhang ‘ulat sa bansa’ niya nitong Lunes na walang kapatawaran sa kanya ang pangungurakot, dapat na ni-yang ipaaresto itong mga “bata” niya sa likod ng pastillas tulad ng ginawa niya sa numero unong kritiko niya na si Sen. Liela de Lima. Mismo!
***
Pinaiimbestigahan na ng local government ng Maynila ang milyon-milyong pondo ng mga barangay na napupunta lang sa ghost projects.
Well, nice to hear this, Yorme Kois. Dahil totoong karamihan sa mga barangay sa lungsod, ang milyon milyong pondo nila ay napupunta lang sa bulsa ng mga opisyal.
Op kors, kasabwat sa ghost projects at overpriced na mga proyekto ang kontraktor ng barangay, pati ang Commission on Audit (CoA) ng lungsod.
Halimbawa lamang sa ‘clean and green’, may inilalaang pondo rito ang bawat barangay. Eh saan ka naman magtatanim ng mga puno sa barangay na walang lupa, lahat sementado?
Tapos ang taon-taong paglalaan ng pondo sa construction ng barangay hall. Bakit taon-taon ba nagtatayo ng barangay hall?
Ang paglalagay ng malaking pondo sa pagpipintura ng barangay hall, covered court at street lights, taon-taon din ito. But once you checked the projects, wala namang nabago! Ghost projects! Paano ito nakalulusot sa CoA? “Lagay” is the answer!
Kaya kung seryoso si Yorme na tuldukan na nga ang mga katiwalian sa pondo ng barangay sa Maynila, isang matunog na palakpak para sa kanya. Klap klap klap!!!