Advertisers
Ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tanggalin ang mga tarpaulin na nagkalat sa iba’t-ibang lugar sa Maynila.
Partikular na pinatatanggal ng alkalde ang tarpulin kung saan nakasaad ang “Ang teroristang CPP-NPA-NDF ay persona non-grata sa Metro Manila.”
Napansin ang nasabing mga tarpulin sa Roxas Boulevard at Mendiola.
Sinabi ng alkalde na mainam na “spread love, not hate” lalo’t nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic.
Sa panahon ng pandemya ay mabuti rin aniyang magkaisa muna ang lahat ng mga Pilipino.
Nauna nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan na ang National Task Force-End Local Communism Armed Conflict ang nasa likod ng mga tarpaulin na anti-CPP-NPA-NDF.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)