Advertisers

Advertisers

KASO NG LYCEUM DEAN UMUSAD NA!

0 895

Advertisers

BAGAMA’T usad-pagong, gumugulong na ang kaso ni Lyceum International Maritime Academy (LIMA) Dean Alexander A. Gonzales kaugnay ng sumbong laban dito sa tanggapan ng Comission on Higher Education (CHED) – Maritime Industry Authority (MARINA) hinggil sa panlilinlang nito sa naturang ahensya ng pamahalaan hinggil sa pamamahala sa naturang sa maritime academy.

Ang magkasanib na CHED-MARINA ang nagpapairal ng mga patakarang dapat ipatupad ng mga maritime schools sa bansa kaugnay sa pagbibigay ng karampatan at kalidad na edukasyon sa mga estudyanteng kumukuha ng mga kursong Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) at Bachelor of Science in Marine Engineering (BSME).

Ang pagtatalaga ng kwalipikadong guro o propesor na tumutugon sa regulasyong ipinaiiral ng CHED-MARINA ang tandisan namang nilabag ni Gonzales, ayon sa sumbong na nakarating sa nasabing tanggapan.



Bagamat hindi pa kasama sa sinisiyasat ng CHED-MARINA ang sangkaterbang katiwalian na nagdadawit din sa kalaguyong empleyada ni Dean Gonzales sa paggawa ng pagka-kakuwartahan sa LIMA ay umusad naman sa tanggapan ng CHED Legal and Legislative Services (LLS) ang kasong Fraudalent Activities in the Lyceum International Maritime Academy.

Kaya naman malamang na makakahinga ng maluwag si Gonzales pagkat di pa mabubusisi ng CHED-MARINA ang partisipasyon sa paggawa ng kawalanghiyaan sa LIMA ng kulasisi nitong si alias “Lady Coring” . Si alias “Lady Coring” pala ang tinutukoy na tagapangolekta ng bayad sa mga t-shirt mula sa mahigit sa na 700 student cadet na sumasailalim sa In -House Policy sa nasabing akademya.

Kumikita diumano si alias “Lady Coring” ng di bababa sa Php 100,000 kada isang buwan sa pagbebenta sa mga biktimang estudyante. Hindi natin alam kung magkano ang nakakaparte ni Gonszales kung meron man mula sa kanyang 28 anyos na lady lover.

Noon pang August 24, 2020 ipinarating ng isa sa mga whistle blower sa CHED-MARINA ang panlilinlang ni Gonzales sa patakaran ng naturang ahensya ngunit noon lamang buwan ng Oktubre naisalin ni Region 4-A CHED Supervisor II Loupel B. Gueta sa tanggapan ng Office for Programs and Standard Development (OPSD) ang nasabinmg reklamo.

Isinalin naman ni Director IV Dr. Cherrie Melanie Ancheta Diego, CESO III ng OPSD sa tanggapan ni Atty. Marco Cicero Domingo, Officer-in Charge ng Legal and Legislative Sevices (LLS) ang reklamo laban kay Gonzales para sa karampatang imbestigasyon.



Isang malalimang pagsisiyasat talaga ang dapat isagawa ng LSS, hindi yaong nakabihasnan nang ipinaiiral ng OPSD na pagpapadala ng Evaluation and Inspection team sa mga maritime academy para malaman kuno kung tumatalima sa ipinaiiral na regulasyon ang mga institusyong katulad ng LIMA.

Madali namang mag-fabricate ng dokumento para palitawin na sumusunod sa patakaran ang isang akademyang katulad ng LIMA, lalo na nga at laging anunsyado ang nakatakdang inspection and evaluation.

Ang nakakatawa nito, ang suking evaluator pala ang palagiang inaatasan ng OPSD na magsagawa ng inspectiopn and evaluation sa LIMA, na dahil sa katagalang nakatalaga sa nasabing gawain ay naging “kabatakan” na ng maritime school dean.

Kung gayon, ano pang maasahan sa report na ipinararating sa tanggapan ng OPSD? Ang lagay nito ay maituturing pa bang credible ang isinusumiteng ulat sa OPSD ng kanilang evaluator?

Nitong October 21, 2020 ay nagtakda ng Evaluation and Inspection ang mga tauhan ng OPSD sa LIMA. Nauna nang nagtakda ng evaluation and inspection via online o zoom conference ngunit sa dahilang hindi pa kumpleto ang mga dokumentong kailangang ipakita sa Inspection and Evaluation team ay humingi diumano ng palugit si Dean Gonzales.

Si Gonzales ay iniuulat na protektado ng ilang tiwali ding opisyales ng Lyceum, kaya tila malabong maremedyuhan pa ang matagal na din palang nangyayaring himala sa nasabing akademya.

Bakit ang tagal-tagal na pala ng mga kabalbalan ni Gonzales sa LIMA, ngunit di ito nakakastigo ni Lyceum Administrator and President Peter Laurel?

Baka naman “namamantikaan ang nguso” ng protektor ni Gonzales na isang Lyceum top-ranking official ng pera na nakurakot nito sa In-House Policy ng akademya?

Kabilang sa sisiyasatin ng Legal and Legislative Services (LLS) ay ang “substitution” o pagpapalit ng propesor o instructor sa LIMA tuwing may nakatakdang monitoring and inspection ang team ng CHED sa nabanggit na eskwelahan.

Hindi kwalipikadong propesor ang mga nagtuturo ng kaukulang asignatura (subject) sa naturang akademya, walang kaukulang lisensya ngunit binibigyan ng teaching load ni Gonzales pagkat mababa ang salary grade nito.

Inihalimbawa ng ating source ay ang isa daw 3rd Marine Officer o 3rd mate na pinagtuturo ng Seamanship 2 at Seamanship 5 na dapat ay isang management level officer tulad ng isang Master Mariner ang nagtuturo.

Ang mga subject na kinapapalooban ng simulator na mandatory namang itinuturo ng isang master mariner ay Junior Officer lamang tulad ng Segundo Opisyal (2nd Officer) o Tersero Opisyal (Thirdmate) ang humahawak.

Ngunit kapag malapit na ang pagbisita ng CHED-MARINA Evaluation and Inspection Team ay saka lamang pinapalitan ni Gonzales ng isang lehitimong propesor na may management level training tulad ng Kapitan (master mariner) o Chief Engineer.

May sumbong din ng kawalan ng permanente at kwalipikadong academy assessor LIMA.. Nagtatalaga lamang si Gonzales ng assessor, kapag may takdang evaluation and inspection ang CHED-MArina, ngunit pagkatapos ng inspection ay ibinabalik na ulit sa teaching job ang nasabing faculty.

Napakarami pang mga katiwaliang nagaganap sa LIMA na dapat malaman ni CHED Chairman Prospero E . De Vera, kung di makokorap ni Gonzales ang hanay ng CHED-MARINA?

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.