Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ANG bago raw pasabog ni Kris Aquino ay ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso.
Kakaiba nga raw ang aura ngayon ni Kris na mukhang blooming na tila may isang special na tao na nagpapasaya sa Queen of All Media.
Sa IG post nga nito ay itinaas nito ang kanyang kamay na tila nanalo sa eleksyon.
Isa nga sa inamin nito ay may Now and Forever na nga raw ang mudra nina Josh at Bimby.
Nag-promise naman ang TV-host-actress na malapit na nga raw ilantad o ipakilala ang nasabing guy na nagpapasaya sa kanya ngayon.
Happy naman ang followers ni Kris at natagpuan na niya ang kanyang Now and Forever.
Isang netizen naman ang nagkomento na hindi raw kaya ang sinasabing Now and Forever ni Kris ay ang Wowowin TV host na si Willie Revillame.
Matagal na rin kasing magkaibigan sina Kris at Willie kaya hindi posible na magkahulugan sila ng loob.
***
USAPAN naman sa apat na sulok ng showbizlandia ang posibleng balikan ng mag-ex na sina KC Concepcion at Piolo Pascual.
Sa mga posted pics sa social media ay mukhang masaya naman ang dating couple na puwedeng magkabalikan.
May tsika pa na tila binigyan ng second chance ni KC si Piolo.
Dinadalaw-dalaw nga raw ni Piolo si KC sa bahay nito na ikinatuwa naman ng kanilang followers.
Mismong ang mudra ni KC na si Megastar Sharon Cuneta ang nagkumpirma na dumadalaw raw si Piolo sa bahay ng dalagang anak.
Well, well, well…’Yun na!