Advertisers
Nanawagan ang mga problemadong subscribers ng Converge Information and Communications Technology Solutions Inc. sa National Telecomunications Commissions (NTC) at sa butihing Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan sila para panagutin ang panggugulang at panggigipit sa kanila ng naturang telcom.
Ang inirereklamong telcom ay may address sa 79 JC De Jesus St. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan at may VAT Registered TIN 006-895-049-010.
Mariin ding kinondena ng mga subscribers ng Converge ICT ang padagdag na padagdag ng bilang ng mga subscribers nito kahit hindi na kaya ng kanyang transmeter na nagreresulta ng palyadong internet connection nito.
Nanawagan din ang mga subscribers sa mga kinauukulan na i-review ang kontratang pinapirma sa kanila dahil pabor lamang ito sa naturang telcom.
Isang malaking kalokohan ang mandatong pagpapabayad ng monthly bills sa mga subscribers na hindi pa na-activate ang modem at hindi pa nakaka-avail ng kanilang internet service simula sa umpisa ng kanilang pinirmahang kontrata sa malatubang kumpanya.
Dagdag pasanin din sa balikat ng mga kostumer ang pagpataw ng malaking penalty sa mga subscribers kapag hindi sila nakabayad sa due date at ang pinakamasaklap ay hindi man lamang sila makakonek sa internet network nito.
Bigo rin silang maghain ng reklamo sa tanggapan nito dahil sa gate pa lamang ng naturang tanggapan ay hinaharang na sila ng mga guwadiya at binibigyan lamang ng contact numbers ng manager para tawagan at kausapin ngunit halos mapudpod na ang daliri nila sa kakakontak sa mga ito ay wala pa rin sumasagot.
Hiling ng mga apektadong subscribers sa mga kinauukulan na aksiyunan agad ang kanilang mga hinaing lalo na’t kailangan ang internet connection ngayong online class ang sistemang ginagamit sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Dapat din sigurong umaksyon ang lokal na pamahalaang bayan ng Sta. Maria, Bulacan at mamagitan sa mga nagrereklamong subscribers at sa kumpanyang CONVERGE ICT na tila sadya nang umiiwas sa kanilang mga obligasyon sa kanilang mga kostumer.
Paging Sta. Maria, Bulacan Mayor Russel Pleyto at ng buong Sangguniang Bayan na imbestigahan ang kumpanyang CONVERGE ICT sanhi ng idinudulot nitong inconvenience at stress sa kanilang mga subscribers dulot ng di maayos nilang serbisyo sa mamamayan ng bayan ng Sta. Maria.
Aalamin din natin ang estado ng nasabing kumpanya sa NTC at maging sa Department of Trade and Industry (DTI) sa tanggapan ni Honorable Sec. Greg Honasan ng Department of Information and Technology (DITC).
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com