Advertisers
Minsan sa hangarin natin maikubli ang katotohanan,nagagawa nating magtanga- tangahan at isakripisyo ang kapakanan ng mas nakakarami ng dahil sa kamandag at tukso ng pera.
Tila baligtad na ang sitwasyon sa ngayon…
“Tao na ang ginagamit at kuwarta na ang minamahal”!
Ipinagmamalaki ng mga iligal gambling operators ng Laguna na umaabot ng 30% ng kita nila ang ibinibigay sa liderato ng Laguna PNP bilang payola kaya lantaran ang lahat ng klase ng sugal sa naturang probinsiya gaya ng fruitgame, video karera, sakla at mga pergalan na halos lahat ng bayan ay meron. Mga mala-casinong color game at dropball dyan sa Paete, Sta Cruz, Pila, Calauan, Victoria, Bae, Sta Rosa, Biñan.
Dito dapat sampolan ni chief PNP Gen.Benjamin Acorda ang PD ng Laguna na si Colonel Randy Glen Silvio at PNP- PRO4A Regional Director,Gen.Carlito Gaces kung talagang nagkaroon ng pagpapabaya at pagkunsinte sa mga sugalang ito.
Tinatawanan lang kasi ang 1-Strike Policy ng pambansang kapulisan sa AOR nina Gen.Gaces at Col.Silvio.
Mistulang basura lamang ang kautusang naturan na isang “stern warning” sana ni PNP chief Gen.Acorda laban sa kanyang mga opisyales on the ground.
Sa nasabing pinaiiral na kautusan o polisiya,sibak agad sa puwesto ang sino mang chief of police(COP) ng isang bayan o siyudad sa isang provincial at regional police command kapag may nahuling illegal gambling operations sa kanilang AOR.
Pero sa dami nga nang nagkalat na mga pasugalan ito sa Laguna na di natitinag, lumutang na totoo na kasosyo talaga sa illegal gambling operations ang provincial police command ni Col.Silvio.
At base na rin sa natanggap nating classified information, umaabot nga ng trenta porsiyento ng kabuuang kita ng mga gambling operators ng Laguna ay nagpupunta sa tanggapan ni Col.Silvio bilang payola o “intelihensiya”.
Suma total,nagsisilbing KASOSYONG LAWAY ng mga gambling operators na ito ang mismong Laguna PNP Command?
Sa mga kaganapang ito ay pakuya- kuyakoy lang at inutil si Regional Director Gen. Gaces ng PNP- CALABARZON (PRO4-A).
Sinong gagong tao ang maniniwalang di patong sa opisyo ng iligal na sugal ang dalawang matataas na opisyal ng kapulisan kung ganireng mismong mga residente ng lalawigan ng Laguna ang kumokondena sa mga naglipanang mga pasugalan sa kanilang probinsiya?
Abot kaya ng makamandag na kapangyarihan ng mga gambling lords ng Laguna pati ang tanggapan ni Governor Ramil Hernandez na bulag,pipi at bingi sa isyu ng illegal gambling sa kanyang teritoryo?
Dalawang bagay lamang ‘yan kung bakit walang aksyon versus illegal gambling ( PD 1602) si Gov.Ramil!
It’s either BOBO at TANGA si Gov.Hernandez o direktang nakikinabang?
Which is which mahal na Gobernador Ramil Hernandez sir?
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com