Advertisers

Advertisers

3 Pinoy na convicted sa UAE binigyan ng presidential pardon

0 155

Advertisers

GINAWARAN ng presidential pardon ni United Arab Emirates President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan ang tatlong Filipino na unang nahatulan ng parusang kamatayan.

Ang dalawa sa mga Pilipino na ito ay nakapila na sa death row dahil sa kasong drug trafficking habang ang isa ay hinatulan naman ng 15 taon na pagkabilanggo sa kasong slander.

Ayon sa Presidential Communication Office, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang pag-uusap sa telepono si UAE President Sheikh Mohamed para pasalamatan sa pagbibigay niya ng pardon.



Noon pang dalawang buwan ang nakakalipas kasi ay umapela mismo si Pangulong Marcos sa gobyerno ng UAE na mabigyan ng pardon ang tatlong Pinoy.

Mismong si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang nakatanggap ng mensahe kay UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi ukol sa pagbibigay ng pardon.

Matatandaang noong Abril 27 ay nagpadala ng sulat si Pangulong Marcos na humihiling kay Sheikh Mohamed na ikonsidera ang paggawad ng humanitarian pardons sa tatlong Pinoy na nakakulong.