Advertisers
NANANATILING positibo ang pananaw ng mga Pilipino sa kasalukuyang kalagayan at katayuan ng ekonomiya sa Pilipinas, base sa pinakahuling PAHAYAG survey.
Sa isinagawang survey, sinabi ni J.M. Siddayao, senior associate ng PUBLiCUS Asia, Inc., layunin nito na maipakita ang kalagayan ng bansa, gayundin ang national economic at household financial outlook.
“It was observed that perceptions of the nation – all economy and household finances remained steady in both Q1 and Q2,” sabi ni Siddayao.
Nagpahayag ang mga respondents sa mabuting ibubunga tungkol sa kasalukuyang kalagayan (51%) at direksyon (68%) ng bansa, gayundin sa national economy (69%) at financial prospects (70%).
“Notably, government workers demonstrated the most improved views,” ang naging paglalarawan ng PUBliCUS Asia, Inc. sa latest PAHAYAG survey nito.
Subalit sa hanay ng 18 to 24-year-old at non-working demographic, ito ay patuloy na nagpapahayag ng diskontento sa kalagayan ng bansa, direksiyon at kung ano ang magiging katayuan ng ekonomiya.
Ang limitadong educational at employment opportunities ang siyang pangunahing dahilan sa negatibong sentimyento na ito.
Sa kabila ng overall positive sentiment na 67% patungo sa naging kalagayan ng bansa para sa 3rd quarter ng 2023, ilang bahagi ng populasyon ang kinakitaan ng biglaang pagkakaroon ng negatibong impresyon.
Partikular dito ang 18 to 24-year-old age group, mula 61% nitong Q1 naging 53% sa Q2; ang non-Catholics na 71% noong Q1 ay nakapagtala ng 63% sa Q2; habang ang tinatawag na ‘other workers’ na noong Q1 ay nasa 73% bumagsak ito sa 66% sa Q2.
“Individuals with no formal education (69% in Q1 to 55% in Q2), and vocational workers (75% in Q1 to 69% in Q2) have shown a decline in positivity. Similarly, the North-Central Luzon region witnessed a decrease in positive sentiment, falling from 71% in the first quarter to 66% in the second quarter,” dagdag pa ng PUBliCUS Asia, Inc.
Subalit kapansin-pansin din na may significant positive sentiments increase sa 25 to 29-year old age group at government worker’s sector.