Advertisers

Advertisers

76th Malasakit Center binuksan sa Cabanatuan, Nueva Ecija

0 563

Advertisers

SINAKSIHAN ni Senador “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-76 Malasakit Center sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Ang bagong bukas na Malasakit Center ay ika-2 na sa probinsiya at pang-38 sa Luzon.
“Patuloy po ang serbisyo ng Malasakit Centers para mabigyan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal ang mga Pilipino kahit saan mang parte ng bansa. Lalo na sa panahon ng pandemya, hindi dapat maantala ang pagbubukas ng dagdag na Malasakit Centers kaya sa Zoom na lang muna tayo ngayon,” ani Go.
Ipinaliwanag ni Go ang layunin ng Malasakit Centers at kung paano makakukuha ng medical at financial assistance ang mga pasyente.
Sinabi ng mambabatas na ang mga nangangailangan ng medical at financial assistance sa kanilang hospital bills ay pipirma lamang sa isang form sa Malasakit Center para sa mas madaling proseso ng paghingi ng ayuda sa partner agencies.
May special lane din ito sa senior citizens at persons with disabilities.