Advertisers

Advertisers

‘Bivalent COVID-19 vax, palakasin’ – Bong Go

0 211

Advertisers

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go, tagapangulo ng Senate committee on health and demography, sa pamahalan na palakasin ang paglulunsad ng bivalent vaccination upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa mga bagong variant ng COVID-19.

Sa pagsisimula ng Department of Health (DOH) ng pagbabakuna nito sa buong bansa, partikular sa healthcare workers, binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng publiko sa programang pagbabakuna.

“Palagi kong pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na magpabakuna. Kahit na bumababa na ang kaso at lumuluwag na ang ating health restrictions, huwag pa rin tayong maging kumpiyansa dahil itong COVID-19, hindi po natin nakikita,” idiniin ni Go.



“Ang paglulunsad ng bivalent vaccines sa bansa ay isa lamang sa mga paraan ng gobyerno upang mas palakasin pa lalo ang pagbabakuna. Mismong si Pangulong Bongbong Marcos na ang nagsabi na dapat lahat tayo ay protektado mula sa COVID-19. Kaya kung kayo ay eligible, magpabakuna na po kayo at libre naman ito,” iginiit niya.

Ang bivalent vaccine launch ay ginanap sa Philippine Heart Center sa Quezon City kung saan dumalo sa event sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, DOH Secretary Teodoro “Ted” Herbosa, at Quezon City Mayor Joy Belmonte, bukod sa iba pa.

“Let this occasion serve as a call to every Filipino to continue doing your part. Get updated on your COVID-19 vaccination to prevent a resurgence, as a means of honoring those who sacrificed their lives during the pandemic,” ani President Marcos sa kanyang talumpati.

“I thus appeal to everyone, especially those who have yet to receive their primary series of vaccinations, to get vaccinated against COVID-19. This is not for your own good alone but also for the protection of your families and the general public,” dagdag ng Pangulo.

Nakatanggap ang Pilipinas ng malaking donasyon na 391,860 doses ng Comirnaty, isang bivalent vaccine na binuo ng Pfizer-BioNTech, mula sa gobyerno ng Lithuania. Ang donasyon na ito ay pinadali sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility, sa pangunguna ng World Health Organization (WHO).



Binigyang-diin din ng DOH na uunahin ng gobyerno ang mga health worker at matatanda.

Samantala, kinilala ni Go ang patuloy na pagsisikap ng DOH sa paglulunsad ng mahahalagang dosis ng pagbabakuna. Pinuri niya ang proactive approach sa pagtiyak ng availability at accessibility ng bivalent vaccines sa mga Pilipino, nang walang bayad.

Binigyang-diin ni Senator Go ang kahalagahan ng malawakang pagbabakuna bilang isang mabisang istratehiya sa pagkontrol sa pagkalat ng virus at mabawasan ang pasanin sa healthcare system ng bansa.

Nanawagan siya sa mga Pilipino na samantalahin ang pagkakataong makatanggap ng mga bivalent vaccine sa pagsasabing ang mga dosis na ito ay mahalaga sa bawat indibidwal laban sa COVID-19 at sa mga variant nito.

“Para sa ating mga kababayan, magpabakuna na po kayo. Libre naman ito at proteksyon niyo ito laban sa COVID-19. Kung hindi pa kayo nagpapa-booster shots, magpa-booster na po kayo. Napakaraming ibinigay na bakuna sa atin kaya huwag nating hayaan na masayang ang mga ito,” apela ni Go.

Samantala, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagpapahusay ng kahandaan ng bansa para sa mga emerhensiya sa kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pag-uulit ng kahalagahan ng kanyang dalawang panukalang batas, SBN 195 at 196. Ang mga iminungkahing batas na ito ay naglalayong magtatag ng dalawang mahalagang institusyon: ang Center for Disease Control and Prevention (CDC) at ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP), ayon sa pagkakabanggit.