Advertisers

Advertisers

GEN. DORIA, COL DELORINO AT GOV DOLOR HINAMON NA PANINDIGAN ANG TULUYANG PAGPAPATIGIL SA JUETENG AT IBA PANG SUGAL SA ORIENTAL MINDORO

0 290

Advertisers

ISA sa mga pangunahing layunin ni Philippine ­Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles ay pataasin ang kita ng korporasyong ito ng gobyerno para makapagbigay ito ng tulong pinansyal sa maraming ahensya ng gobyerno na tinutulungan ng charity institution.

Ayon sa mga Maritess, libu-libong mahihirap na ­madlang Pinoy ang umaasa sa PCSO para sa tulong sa kanilang mga gastusin sa ­pagpapagamot at pagpapa-ospital.

Ang masaklap nga ginamit ang STL ng mga iligalista bilang takip sa illegal numbers game na jueteng.



Ang ilegal na gawaing ito ay naging laman ng mga alamat at kuwento sa Oriental Mindoro na ang mga kalahok sa STL cover ay umamin sa raket.

Ayon naman sa impormasyon na nakalap ng inyong lingkod, 21 days lang ng matigil ang operasyon ng jueteng at iba pang sugal sa Oriental Mindoro matapos na mapatay nitong Mayo 31, ang radio broadcaster na si Cris Bunduquin. Ayon sa source nagsimula na uli nitong June 21 ang operasyon ng Jueteng matapos plantsahin ng maimpluwensiyang pulitiko ang pagbubukas muli nito.

Dagdag pa nito, kaya nakapag operate muli dahil pinakikialaman ng maimpluwensiyang pulitiko ang sistema ng STL ng PCSO dahil pati ang lihetimong franchise ng STL sa Oriental Mindoro ay pinahinto nito ng walang dahilan para personal nitong masolo ang operasyon ng illegal numbers game gamit ang Small Town Lottery o STL.

Plano umano ng maimpluwensiyang pulitiko na maging gambling Lord, “Its calm before the storm”.

Kaya napatay si Bunduqui dahil sa pagtuligsa nito sa mga tiwaling pulitiko at PNP officials na protektor sa iligal na sugal na talamak sa Oriental Mindoro.



Habang sinusulat natin ang balitang ay sunod-sunod na tayong nakakatanggap ng sumbong via text messages:

Kung saan walang pangingimi ang isa nating tagasubaybay sa kanyang kahilingan na kasuhan ang kanilang PNP provincial director na si PCol Samuel Delorino, PRO4B regional director PBGen Joel Doria at si Governor Humerlito Dolor sa umanoy pananahimik ng mga ito at koneksyon nila sa jueteng at iba pang sugal sa kanilang areas of responsibility o AOR.

Nanawagan din ang aking avid reader na panindigan nina Gen Doria, Col Delorino at Governor Dolor ang tuluyang pagpapahinto sa operasyon ng jueteng kung totoong na wala silang kinalaman sa pamamayagpag nh iligal na sugal kung saan napatay ang radio broadcaster na bumabatikos rito.

Sa kanyang text, nanawagan din ito kay DILG Sec. Benhur Abalos, na sampahan ng kasong administratibo ang mga nabanggit na government officials dahil sa posibleng pangungunsinti umano ng mga nito na mag-operate ng jueteng ang kanilang hurisdiksyon .

Hindi lang pala ang inyong lingkod ang nag-iisa sa paglalantad ng katotohanan sapagkat maging ang payak na mamamayan ay tumutuligsa din sa di pag-aksyon ng mga nabanggit na opisyal.

Hiniling din ng aking avid reader kay Sec. Abalos na kasuhan maging ang ilang tiwaling alkalde sa Oriental Mindoro.

Sinabi din niya na dalawang beses sa bino-bola jueteng sa isang araw kung saan matatagpuan ang kinaroroonan ng Camp Efigenio Navarro ang tanggapan ng PNP Regional Director PBGen Doria.

Sinabi din niya na mistulang PRESS RELEASE o lang itong “One strike at No take” Policy ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., sapagkat wala umanong nasisibak ni isa mang opisyal ng PNP sa Oriental Mindoro na sangkot sa iligal na sugal hanggang sa mapaslang ang mamamahayag na tumutuligsa dito.

Subaybayan natin!