Advertisers
Ni BETH GELENA
KATATAPOS lang mag-bonding sa Japan ang mag-amang Jake Ejercito at Ellie, heto at inaaya naman ni Jake ang.anak na manood ng.concert ni Taylor Swift sa Singapore o Japan.
Flinex ng binatang ama ang conversation nila ng anak.
Tinanong ni Jake, kung.gustong manood ng Taylor Swift.concert si Ellie sa Singapore.o Japan.
Hindi na pinost ng aktor ang sagot ni Ellie,.pero ngayon pa lang daw ay ninerbiyos na ang kanyang savings.
“Biglang kinabahan yung ipon ko sa reply.”
Muling nag-viral sa social media ang convo ng mag-ama.
***
ECHO HINDI ANG TIPO ANG LAGING NAG-EEXPLAIN
HINDI pa rin tinatantanan ng katatanong si Jericho Rosales kung hiwalay ns nga ha sila ng misis na si Kim Jones.
Nang tanungin ang aktor hinggil sa isyung hiwalay na nga ba sila ni Kim?
“People are entitled to think what they think. I mean, ano ang gagawin ko? Tatawa lang ako,” kaswal na sabi ni Echo.
“But it’s okay, people are entitled to their own opinion, I’m really not that type of person na I really have to explain myself to anyone.
“What you see is what you get. As long as I Iive in peace, in love and respect, yun na ang importante sa akin.”
Ayon kay Echo, abala sila ngayon ni Kim sa collaboration.
“During pandemic, she transitioned from fashion to directing. She’s also writing for scripts. She actually wrote one of my projects. She co-wrote it with me.
“She’s directing now. She just finished directing two videos, you’ll see it soon sa Instagram.'”
***
Legit Dabarkads pa rin…
MAINE TYPE PA RING MAKASAMA SI ALDEN SA BAGONG SHOW.SA TV5
ISANG legit Dabarkads si Alden Richards.
Sa panayam kay Maine Mendoza gusto umano niyang makasamang muli ang dating kalabtim na si Alden sa bagong show nila sa TV5.
Wala ang actor nang magpa-presscon ang legit Dabarkads kamakailan.
Umaass si Maine na sana ay makasama nila ang.aktor sa bago nilang show sa TV5
Esplika ni Maine, legit
Dabarkads pa rin daw.si Alden and that they are still updating each other about the upcoming TV5 show.
Sa ngayon hindi pa raw nila alam kung papayagan ng GMA na lumabas si Alden sa bago nilang show sa TV5.
“Hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero si Alden naman ay legit Dabarkads. Hopefully, hindi ko pa rin alam din e, pero hopefully makasama namin siya dito sa show namin sa TV5.
“Oo naman. Kaming mga Dabarkads naman constant pa rin ‘yung communication dito sa bagong show, bagong tahanan, ‘yung updates gano’n pa rin,” psgbabahagi pa ng fiancee ni Arjo Atayde.