Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
BILANG modelo ay maraming pictorial si Abed Green na nakahubad at naka-underwear, maging sa kanyang Instagram account, kaya tila kumportable siya na ipakita ang macho niyang katawan.
Okay lang din daw sa kanya na pagnasaan ng mga babae at bading.
“Okay lang po, okay lang naman po. Wala naman po akong ano dun, wala naman pong kaso dun.”
Wala naman din daw siyang nakikitang mali sa pagpapakita ng katawan niya.
May butt exposure na siya sa pelikulang ginawa niya para sa Vivamax noong 2021, ang Pornstar 2: Pangalawang Putok.
Hanggang saan ang kaya niyang gawin na pagpapaseksi sa isang proyekto?
“Ako po masasabi ko depende iyan sa story siguro.”
Kaya raw niya ang mag-frontal nudity.
“Opo, kung sobrang ganda ng istorya.
“Kung sobrang ganda po ng story, yung like hindi nila mapapansin yung paghuhubad, yung mapapansin nila is yung acting at tsaka yung story.
“Yung story ang maiisip nila kapag napanood nila, hindi yung naghubad si Abed.”
Hindi pa raw naman siya nakatanggap ng offer na maghubu’t hubad sa harap ng kamera.
Kasama si Abed, bilang si Fred, sa cast ng GMA sitcom na Open 24/7 nina Vic Sotto (bilang Boss EZ) at Maja Salvador (bilang Mikaela) na napapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman.
Kasama rin sa show ang Sparkle artists na sina Sofia Pablo bilang Kitty, Allen Ansay bilang Al, Riel Lomadilla bilang Bekbek, Anjay Anson bilang Andoy, Kimson Tan bilang Kokoy at Bruce Roeland bilang Doe.
***
TINANONG namin ang Sparkle hunk na si Nikki Co kung ano ang naramdaman niya noong nalaman niya na kasali siya sa cast ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis nina Senator Bong at Beauty Gonzalez?
“Sobrang masaya ako kasi gusto ko ring mapasama sa isang action series or movie, so this is one way of doing it.
“Tapos dumaan pa kami sa mga training-training,” sinabi ni Nikki.
Sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay gumaganap si Nikki bilang si Dustin na isang estudyanteng nag-aaral maging pulis, kaya isa sa mga pinagdaanan ni Nikki bago magsimulang mag-taping para sa nasabing serye ay ang target shooting o ang wasto at ligtas na paggamit ng baril.
Pagpapatuloy pa ni Nikki tungkol sa pakikipagtrabaho kay Senator Bong…
“So working with Senator Bong, di ba sa una siyempre parang hindi mo pa alam kung magiging okay ang relationship kasi big star, e.
“Pero sa awa ng Diyos, ang sarap!
“Kasi very guiding si Senator Bong. Like kung paano pagandahin yung mga eksena, tutulungan ka niya, so parang nagko-collab lang kayo.
“So parang teammates. Hindi mo mapi-feel na parang, ‘Ah mataas ako, sikat ako!’
“Wala! Very humble siya.
“Very ano lang talaga, strong yung personality ni Senator Bong kasi guwapo, tapos malaki ang katawan tapos siyempre Senator din siya.
“Makikita mo na very masculine ang dating ni Senator. Pero buti na lang talaga na very welcoming siya so hindi ka na matatakot, even after just one scene with him, ano na, magaan na.
“Tsaka nagpapatawa rin si Senator, hindi lang si Kuya Niño.
Bukod kina Senator Bong, Beauty at Nikki ay nasa cast ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sina Niño Muhlach, Carmi Martin, Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Jeric Raval, Maey Bautista, Angel Leighton at Raphael Landicho na napapanood din sa Voltes V: Legacy.
Ito ay sa direksyon nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.