Advertisers

Advertisers

BARANGAY PLEB DESK, ‘ITATAPAT’ LABAN SA ABUSADONG PULIS SA MUNTINLUPA

0 136

Advertisers

HINDI na uubra ngayon ang pamamayagpag ng ilang ‘abusadong pulis’ o miyembro ng PNP dahil hindi lamang nakatutok ang lokal na pamahalaan lungsod ng Muntinlupa sa mga programa na makatutulong sa pag-unlad at ilapit ang serbisyo sa tao kundi ang mabigyan din sila ng proteksyon sa pamamagitan ng ipinasang ordinansa.

Ito ang ipinagmalaki ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon matapos na ipatupad ang ordinansa na ipinasa ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) Desks sa siyam na Barangay ng lungsod.

Ayon kay Biazon inilapit na nila mismo ang sumbungan o ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga abusadong mga pulis sa kanilang mga barangay hall.



Iginiit ng akalde na ang mga law enforcement ay dapat panatilihin ang kanilang commitment na ‘to serve and protect the people’.

Ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga residente ng Muntinlupa na iparating ang pang-aabuso ng ilang mga pulis ay isang bahagi na rin upang mas maging maayos at ligtas ang lungsod ng Muntinlupa.

Ang Barangay PLEB Desk ay inisyatiba ng City government sa pamamagitang ng Department of Interior and Local Government na ipinatutupad na sa ilalim ng City Ordinance No. 2023-053 na minamandato ang pagkakaroon ng PLEB desk sa bawat Barangay ng lungsod ng Muntinlupa.

Ang pagbubukas ng Barangay PLEB desk ay pinangunahan ni PLEB Chairperson Atty. Victor Lizardo kung saan pinanumpa niya ang mga naatasan Barangay PLEB Desk officers kabilang si Councilor Alexon Diaz at ilang opisyal ng barangay. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">